ISINISI ng detenidong si Senadora Leila de Lima sa kasalukuyang administrasyon kung bakit bumalik sa kapangyarihan si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa kabila ng pagkakasangkot sa plunder at korupsiyon.
Ayon kay De Lima, tila hinayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na manumbalik ang mga corrupt na opisyal sa kapangyarihan.
Kaugnay nito, tinawag ni De Lima si Arroyo bilang “runaway winner.”
“The joke has become a self-fulfilling prophecy: the people voted Duterte, but it was Arroyo who won. This is the bargain the Filipino got, a buy-one, take-one ‘ukay-ukay’ deal,” pahayag ni De Lima.
“Never mind a legislative agenda that would fight poverty, spur development, and save the people from runaway inflation and rising unemployment,” ani De Lima.
“Letting Arroyo grab the speakership, with the resultant bandwagon which includes the Marcoses, was the first order of business of the people around the President as he starts his third year in office,” dagdag ng senadora.
Hindi rin aniya naging maganda para sa imahen ng Pangulo ang pagkakaantala ng State of the Nation Address dahil sa rigodon ng liderato sa Kamara.
Matatandaang pinalitan ni Arroyo si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez bilang House Speaker.
(CYNTHIA MARTIN)