Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tonz Are, tiyaga at pagsisikap ang sikreto sa tagumpay

TIYAGA at pagsisikap. Ito ang dala-dala ni Tonz Are, isang matagumpay na indie actor, para maabot ang pangarap at mapunta sa kasalukuyang kinatatayuan ngayon sa buhay.

Mula noon hanggang ngayon, sipag pa rin ang dala-dala ni Tonz kahit kinilala na ang galing niya sa pag-arte.

Nagsimula bilang theater actor si Tonz na napunta sa paggawa ng mga indie films.

Ani Tonz, bata pa lang siya’y hilig na niya ang umarte, kaya sa kanilang paaralan ay sumasali siya sa teatro.

Mula rito, sumabak siya sa pagmomodelo at pagkaraan ay nasabak sa pag-arte sa indie film na Magkukulob noong 2010 ni Direk Ron Sapinoso.

Tubong Koronadal City si Tonz na marami-rami nang indie movie ang nagawa tulad ng Night Shift, Notbuk, Silangan, Nanay Krisanta, Sitio Dolorosa, Panaginip, Play Ground, Makata, Udyok, Lamat, at iba pa.

Mula rito ay nagtuloy-tuloy na siya sa pagiging alagad ng sining. Bukod sa pelikula, lumalabas din ngayon si Tonz sa telebisyon at teatro.

Madalas siyang mapanood sa mga episode ng The 700 Club Asia ng  GMA-7.

Kinilala na rin ang husay ni Tonz bilang actor dahil itinanghal siyang Best Actor sa Film Act Festival noong 2013 para sa pelikulang Magkaibigan. Best Actor din siya sa Theatro Expedition de Filipinas.

At noong 2015, muli siyang nanalong Best Actor sa teatro at pinarangalan din sa Golden Choice Award 2017 bilang Tagahabi ng Sining at Pelikula.

Ilang ulit din siyang naging nominado para sa Inding-Indie Film Festival at nakuha niya ang Best Actor award noong 2017 sa Fourth Inding-Indie Film Festival para sa pelikulang Init.

Nasungkit muli niya ang Best Actor award noong isang taon sa Gawad Sining Film Festival para sa pelikulang Maranhig ni Direk Marvin Gabas.

Sa ngayon, maraming proyekto ang dapat abangan kay Tonz. “Abangan po nila ako sa ‘Rendezvous’ na idinirehe ni Marvin Gabas under Knight Vision Production.

“Executive producer po rito si Enouch Cruz at kasama ko sina Ms. Gina Pareño, Patani Daño, Jiana Arigue, at iba pa.”

Kuwento pa ni Tonz, ang screening ng Rendezvous ay sa July 28 sa SM Aura, BGC at sa Aug. 11, naman sa SM Trece Martirez, Cavite.

Bukod dito, kasama rin si Tonz sa  Onna na idinirehe nina Joel Mendoza at Bong Bordones.

“Iyong ‘Onna’ po, Japanese word na ang kahulugan ay babae.”

Isang horror movie ang Onna at ginagampanan niya ang role ni Rione, kapatid ni Onna na ginagampanan ni Kristine Mangle.

Kasama rin siya sa Agulu with Janice Jurado na gumaganap na nanay niya sa pelikula. Kasama rin dito sina Kristofer King, Pamela Ortiz, Amaya Vibal, at iba pa.

“Sobrang happy ako na naging nanay ko sa pelikula si Janice, isang karangalan ang makaeksena ko ang saing veteran actress na tulad niya,” sambit ni Tonz.

Kuwento pa ni Tonz, ang Agulu ay entry sa Toronto Film Festival sa Canada at ito’y pinamahalaan ni Reyno Oposa.

“Sobrang ganda ng istorya nito (Agulu) at ang daming aral po na mapupulot, lalo sa kabataan dahil ukol po ito sa droga,” sambit niya nang makausap namin sa isang hapunan.

Bukod sa pag-arte, nagbibigay din ng libreng acting workshop si Tonz. Kabilang sa mga kabataang tinutulungan niya sina Aerozekiel C. Tan, Aerika Faith C. Tan, Chaz T. Feliciano, Princess Fiona T. Concepcion, Reign Joy Lim, at Hannah Reign Lim.

Mayroon ding negosyo ang actor, isang tapsilogan at perfume.

Nagma-manage rin siya ng artista at una niyang talent ang sariling kapatid, si Celso Are na tulad niya ay mahilig din sa pag-arte.

Pangarap ni Tonz na makatanggap ng international award at magkaroon ng teleserye.

Gusto naman niyang makatrabaho sina Angel Locsin at John Lloyd Cruz.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …