MUKHANG target ni dating pagulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na muling makasambot ng kapangyarihan.
Ang pagiging palalo, abusado at bastos ng pintalsik na House speaker na si Pantaleon “Bebot” Alvarez ay pinakinabangan nang husto ni GMA pabor sa kanyang mga ambisyon.
Kung maayos at mahusay ang attitude ni Alvarez, hindi magtatagumpay ang kampo ni GMA na masambot ang nasabing puwesto.
Pero dahil may kakaibang ugali nga si Alvarez, walang kahirap-hirap na nagtagumpay ang kampo ni GMA para masikwat ang speakership.
Pero siyempre, hindi rin naman ‘yun lang ang salik no’n. Plus factor din ang pinaghugpong-hugpong na ‘powers’ ng tinatawag ngayong ‘Powerpuff Girls.’
‘Yung Powerpuff Girls umano ang nagtrabaho para tuluyang mapatalsik si Alvarez.
Marami ang nagsasabi na target ni GMA ang pagiging Prime Minister sakaling tuluyang magpalit ang ating Saligang Batas.
Kaya ibig sabihin, ang puwersa ni GMA ay pabor na pabor sa pagpapalit ng Konstitusyon.
Pero sa kabila ng ‘gulo’ sa Kamara, pangiti-ngiti lang ngayon ang Senado dahil nasa kanila ang huling halakhak.
Sabi nga ni Senator Ping, “mananatiling nasa kamay ng Senado ang kapangyarihan at karapatan na amyendahan o baguhin ang Konstitusyon ng bansa.”
Abangan natin mga kababayan, magbantay at manood tayo kung ano pa ang mga mangyayari bago sumapit ang Oktubre 2018.
Nakahanda na ba sila sa paghahain ng certificate of candidacy (COC) sa Oktubre?
Let’s wait and see!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap