Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Power sharing target ni GMA?

MUKHANG target ni dating pagulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na muling makasambot ng kapangyarihan.

Ang pagiging palalo, abusado at bastos ng pintalsik na House speaker na si Pantaleon “Bebot” Alvarez ay pinakinabangan nang husto ni GMA pabor sa kanyang mga ambisyon.

Kung maayos at mahusay ang attitude ni Alvarez, hindi magtata­gumpay ang kampo ni GMA na masambot ang nasabing puwesto.

Pero dahil may kakaibang ugali nga si Alvarez, walang kahirap-hirap na nagtagumpay ang kampo ni GMA para masikwat ang speakership.

Pero siyempre, hindi rin naman ‘yun lang ang salik no’n. Plus factor din ang pinaghugpong-hugpong na ‘powers’ ng tinatawag ngayong ‘Powerpuff Girls.’

‘Yung Powerpuff Girls umano ang nagtrabaho para tuluyang mapatalsik si Alvarez.

Marami ang nagsasabi na target ni GMA ang pagiging Prime Minister sakaling tuluyang magpalit ang ating Saligang Batas.

Kaya ibig sabihin, ang puwersa ni GMA ay pabor na pabor sa pagpapalit ng Konstitusyon.

Pero sa kabila ng ‘gulo’ sa Kamara, pangiti-ngiti lang ngayon ang Senado dahil nasa kanila ang huling halakhak.

Sabi nga ni Senator Ping, “mananatiling nasa kamay ng Senado ang kapangyarihan at kara­patan na amyendahan o baguhin ang Konstitusyon ng bansa.”

Abangan natin mga kababayan, magbantay at manood tayo kung ano pa ang mga mang­yayari bago sumapit ang Oktubre 2018.

Nakahanda na ba sila sa paghahain ng certificate of candidacy (COC) sa Oktubre?

Let’s wait and see!

FISCAL EDWARD
TOGONON
TATAKBONG MAYOR
SA PASAY CITY?

PUTOK na putok sa Manila City hall na tatak­bong alkalde sa Pasay City si Manila Prosecutor Edward Togonon.

Mukhang nagsasawa nang mag-fiscal si Fiscal Togonon kaya tatakbo na lang Mayor… ‘yun lang, sa Pasay City hindi  sa Maynila.

Aba mukhang paldo ang pondo ni Fiscal Togonon!

Alam naman ninyo sa Pasay City kapag diyan tumakbo kailangan bastante ang pondo.

Hindi puwede ‘yung pabarya-barya riyan dahil tiyak na matindi ang labanan.

Sa palagay naman natin, hindi tatakbo si Fiscal Togonon… kung butas ang kanyang bulsa.

Tiyak ‘yun 100 porsiyento, malaki ang pondo!

Good luck prosecutor!

INUMAN SA GITNA
NG KALSADA SA MALATE
(ATTENTION: MMDA)

SIR, bakit pinapayagan ng MMDA ang inuman sa gitna ng kalsada dto sa Remedios St., sa Malate pagitan ng Adriatico at Mabini streets. ‘Pag tambay hinuhuli pero kapag latag ng inuman sa mesa sa kalsada walang huli. Ilang metro lang ang layo sa Simbahan. Magkano ba ang lagay?

+639165922 – – – –

OBSTRUCTION
SA KALYE
CAPT. MERONG
PASAY CITY

PANAWAGAN kay Kapitan Noel Javelosa ng Brgy. 77 Zone 10 Pasay City, paki-alis naman lahat ng sasakyan sa Kalye Capt. Merong na 24 oras naka-park. Delikado kung may emergency. Kawawa ang mga tao na maiipit. Baka gusto pa yata ni Kapitan na makarating ito kay MMDA Chairman Danilo Lim. Aksiyon naman huwag pagsisihan sa bandang huli.

+639053241 – – – –

HINAING SA BUROL
NG TANOD SA BRGY. 315
Z-32 MANILA

GOOD am po nais ko pong ipaalam sa mga opisyal ng Bgy 315 z-32 ng Maynila na kaawa-awa ang Burol ng Tanod na namatay. Halatang pinagkasya lang sa maliit ng kabaong na mahal patubuin ang singil ng serbisyo. Patay na ginagamit pa kaperahan. Dapat po sa iba na sila kumuha ng serbisyo, chairman PA naman ang may-ari ng punenarya Century.

 +63943254 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …