Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Wise land use isinakatuparan ng Taguig City

HINDI lang bilang isang cosmopolitan city makikilala ang Taguig City ngayon dahil sa kanilang posh Bonifacio Global City (BGC).

Isinusulong ngayon ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang matalinong paggamit sa mga bakanteng lote at dating dumpsite bilang recreational site at urban farm.

Sa Taguig, ang mga bakanteng lugar ay binago at pinaganda upang maging angkop sa pagiging bansag na “probinsyudad.”

Ang mga lupang dating nakatiwangwang lang at tinatapunan ng basura bago umupo si Mayor Lani Cayetano bilang punong lungsod ay binigyang buhay muli at ginawang maayos na puwedeng bisitahin at pagpalipasan ng oras ng mga tao.

“Nais namin na maging totoo sa bansag na “probinsyudad” kaya naman napapanatili namin ang balanse sa pagitan ng modernization at tradition, advancement at environment, urban at rural,” ayon kay Mayor Lani.

Aniya, “nagiging natural sa amin na i-convert itong mga unused, bakante o abandonadong mga lupa upang sa gayon ay magbigay ng pakinabang at benepisyo sa mga tao at maging akma sa lungsod bilang probinsyudad.”

Kasama sa mga lupain na naisaayos ang dalawang parks sa Barangay Lower Bicutan, Taguig Lakefront Community (TLC) Park, at Taguig Integrated Urban Farm.

Ang dumpsite naman noon ay naging TLC Park na ngayon. Isa itong 600 square-meter lot. Ang TLC Park ay pinasinayaan noong 2014.

“Lumilikha po tayo ng mga lugar na kaaya-aya sa mga bibisita kahit sino pa man sila, basta sila ay mapapasaya kasama ang kanilang mga kaibigan o pamilya,” wika ni Taguig Manpower Training Center officer-in-charge Maria Anabelle “Bingle” Santos, na nanguna sa pagpapaganda ng mga bagong destinasyon para sa mga Taguigeños.

Ang TLC Park ay lugar kung saan puwede ang iba’t ibang aktibidad, libre at walang bayad.

Naging paborito na itong lugar na madalas maglaro ang mga kabataan, train ride sa mga bata, biking para sa mga miyembro ng pamilya, film showing sa mga barkada. Ang mga hoopers naman ay puwedeng maglaro rito ng basketball.

Ang mga estudyante ay puwedeng mag-aral o magpraktis sa malalawak na lugar.

Ang mga park personnel ay regular na nagsasagawa ng afternoon classes para sa mga kabataan na madalas bumisita rito, at itinuturo ang mga lesson sa basic literacy, good manners at kadalasan ay song and dance.

Isa pang malaking land conversion project ang 2,500 square meter farm katabi ng Lakeshore Hall na kilala bilang Taguig Integrated Urban Farm. Ang farm, na inilunsad noong December 2017, ay ehemplo ng paghahalo ng urban at rural na lugar, malayo sa dati nitong itsura nang matagal na panahon, bago ang administrasyon ni Mayor Lani na tambakan lamang ng basura.

Ang urban farm ay pamamaraan na ang farming ay puwedeng isagawa sa isang siyudad, gamit ang wooden rack at pole gardening. Lahat ito ay puwedeng mapag-aralan sa isang bamboo classroom na inilaan para sa urban agriculture.

Ito ay mayroong coffee shop at orchidarium na napaliligiran ng mga punong namumunga ng iba’t ibang prutas, mga gulay mula sa kamatis, talong, okra letsugas, kalabasa, repolyo, mustard at iba pa.

Ang mga ani ay hindi napupunta sa basura, ayon pa kay City Agriculture Office officer-in-charge Emelita Solis. “Our produce usually goes to the feeding programs conducted by our local government and, in some cases, to different institutions like Bahay Pag-asa and Bureau of Jail Management and Penology.”

Ang mga farm ay mayroong sustainability, wise land use, livability at food security para sa mga residente ng Taguig at mga bisita rito, wika ni Solis.

“We’re trying to teach people that all this is possible in the city setting,” saad ni Mayor Lani. “You can turn neglected spaces into places of engagement or showcases of livability. You can carve out in-city spaces so you can take people’s minds, off all the hustle and bustle, and provide them a place to slow down, breathe deep and appreciate life.”

Inaanyayahan ng lungsod ang mga bisita na tumungo sa mga lugar na nabanggit at makaiwas sa mga lugar sa ibang lungsod na masyadong busy.

Ang TLC Park ay matatagpuan sa 393 C-6 Road, at bukas ito mula 7:00 am hanggang 9:00 pm araw-araw maliban kung holiday. Ang Taguig Integrated Urban Farm naman ay matatagpuan katabi ng Lakeshore Hall sa Barangay Lower Bicutan. Kahit hindi mga Taguigeños ay welcome rito.

Sa liderato sa Kamara
BEBOT OUT
EX-PGMA IN

HINDI ang katatapos na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang pinag-usapan…

Mas pinag-usapan ang ‘kudeta’ ni dating pangulo at ngayon ay congresswoman Gloria Macapagal Arroyo laban kay Rep. Pantaleon “Bebot” Alvarez para sa liderato sa Kamara.

Kahapon ay opisyal na itinalaga si Madam GMA bilang bagong Speaker of the House matapos tadyakan si Alvarez.

Dalawang makapangyarihang bebot (Hindi si Bebot Alvarez) umano ang nasa likod ng tagumpay ng kudeta ni GMA.

Tipong two women’s heads is better than ‘two-headed man.’

Ang tanging nagawang depensa ng kampo ni Alvarez ay itago ang Mace at patayin ang audio speaker, maliban doon wala na.

Tameme ang puwersa ng nag-iisang lalaking Bebot, hindi ng dalawang makapangyarihang bebot.

Pero hindi pala ito nagustuhan ng Pangulo.

Sa totoo lang, muntik nga raw mag-walkout si Tatay Digong sa holding room ng Kamara.

Ito ay dahil sa nangyaring delay sa kaniyang SONA dahil nga sa kudeta sa liderato ng Mababang Kapulungan.

Ibinunyag ito ni Senate President Tito Sotto. Talagang hindi raw itinago ni Pangulong Duterte ang naramdamang inis dahil sa nang­yaring delay at siyempre tahasang pag-agaw sa eksena na dapat ay siya ang bida.

“Yes. He made the threat to that effect. Mag-walkout talaga ako ‘pag hindi n’yo talaga inayos ‘yan,” kuwento ni Senator Sotto.

Bakit nga naman ginawa ang ganoon sa kanyang ika-tatlong SONA, ‘e ang daming araw para gawin ‘yan?!

May pustahan bang naganap at kailangang madaliin gayong hawak na nila ang bilang?!

Sabi nga ni Tito Sen, may mas mabuting paraan na maaaring gawin ang Kamara kung nais nilang palitan ang kanilang lider.

At hindi umano maganda na puwersahan ang paglilipat ng liderato dahil maaari naman itong gawin kahit anong oras naisin ng mga mambabatas basta’t nasa loob ng isang duly constituted plenary session.

Kamakalawa ng gabi, pormal na idineklara si Arroyo bilang bagong House Speaker sa botong 184 affirmative at 12 abstentions.

Tanong lang, hindi ba makukuha ni Arroyo ‘yan kung hindi isasabay sa SONA ni Tatay Digong?!

Ang nangyari tuloy, parang multong nagbabangon ngayon ang mga lumang isyung nakakabit sa pangalan ni Mrs. Arroyo.

Makatulong kaya ito sa pagsusulong ng federalismo?!

Abangan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *