Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia Sanchez at Rhea Tan, pinangunahan ang bonding ng BeauteDerm family

IBANG klase ang naging bonding moment ng BeauteDerm family sa pangunguna ng CEO at owner na si Ms. Rheå Ramos Anicoche Tan at ng number-one endorser niyang si Ms. Sylvia Sanchez. Nangyari ito last July 22, nang sama-sama silang nanood ng Rak of Aegis sa PETA Theater, Quezon City.

Masuwerte kami dahil bukod sa sobrang entertaining ang Rak of Aegis, personal din naming nakita kung gaano ka-solid talaga ang mga taong nasa likod ng BeauteDerm. As always, isang supportive na kaibigan si Ms. Rhea kaya nag-sponsor siya sa naturang show at bumili ng 50 VIP tickets!

Bukod kay Ms. Sylvia, naki-bonding ang BeauteDerm am­bas­­sadors na si­na Rochelle Barrameda at Jimwell Stevens, Shyr Val­dez, Alma Concepcion, Mar­icel Morales, Bula­can Board Member Alex Castro with Sunshine Garcia, Masbate Vice Governor Kaye Revil, San Juan La Union councilor Migz Mag­saysay, at Councilor Jannah Ejercito. Kasama sa masayang bonding moment na ito ang napaka-supportive na husband ni Ms. Rhea na si sir Sam at ang kanyang pamilya.

Ang iba pang BeuateDerm ambassadors ay sina Arjo Atayde, Carlo Aquino, Matt Evans, Glydel Mercado, Coun­cilor Kate Coseteng, Vice Mayor Donya Tesoro, at Darla Sauler.

Kahit busy sa mommy duties si Ms. Sylvia dahil kailangan niyang sumama sa pagsundo sa bunso nilang si Xavi na galing sa retreat, sumaglit pa rin ang award winning Kapamilya ak­tres para maki-bonding. Ngarag nga si Ms. Sylvia that night dahil galing pa siya sa Ayala Malls Feliz para sa grand opening naman ng The Eyebrowdery na bagong business ng anak na si Ria Atayde at Joseph Marco.

Ipinahayag ni Ms. Rhea ang kagalakan sa naturang bonding moment nila ng kanyang Beuate­Derm family. “Ang saya-saya lang, gusto ko iyong ganito talaga.”

Idinagdag pa niyang natutu­wa siya sa patuloy na paglago ng BeauteDerm at sa kanyang mga ambassadors/endorsers dahil hindi lang sila loyal na users ng BeauteDerm, kundi sila mismo ay natatatayo rin ng kanilang sariling branch nito.

“Iyong ating brand ambas­sadors talagang guma­gamit ng ating produkto, sila ang patunay na napaka-ef­fective talaga ng ating products,” saad ng masi­pag na business­woman.

Si Ms. Sylvia kasosyo ang anak na si Ria ay may sariling BeauteDerm branch sa Butuan, ang Skin and Beyond by Beaute­Derm. Samantala, ang branch ng mr. and mrs. tandem nina Ro­chelle at Jimwell ay mag­bubukas na next month sa Parañaque naman. Isa pang bubuk­sang branch ng BeauteDerm this August ay sa San Juan city naman.

Anyway, congrats sa Beaute­­Derm dahil ang 23rd branch nila na Beauté Icon by Beautéderm ay nagbukas na last July 23 sa Phase 2 Bldg1 Yubenco Tetuan, Zamboanga City.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …