Friday , November 15 2024
REY Valera and David Pomeranz with Rev. Nelson Flores.

Salamat

REY Valera and David Pomeranz with Rev. Nelson Flores.

NITONG nagdaang Biyernes sa Stafford Centre ay pinasaya nang husto ng mga crooner na sina Rey Valera at David Pomeranz ang ating mga kababayan sa saliw ng kanilang mga walang kupas na “love songs.”

Tiyak ko na marami sa mga nanood ng konsiyertong ito ang naglakbay pabalik sa panahon, sa pamamagitan nang daan ng mga alaala o ‘yung kung tawagin ng mga romantiko ay “memory lane.” Nabuhay na piho ang masasaya at masasakit na mga gunitang inihatid ng mga awitin ni Rey at David na sumikat nang todo noong dekada 70, 80 at 90.

Halos mapuno ang Stafford Centre na nasa Stafford, Texas, isang lungsod na 20 milya lamang ang layo sa Lungsod ng Houston, ang ikaapat na pinakamalaking siyudad sa US kasunod ng Chicago sa Illinois; Los Angeles sa California at New York City sa New York.

Nag-umpisa ang dalawa at kalahating oras na konsiyerto bandang 7:30 ng gabi sa pamamagitan ng isang opening number na Dancing Queen ng pamosong Abba na inawit nang mahusay ni Darlene Reyes, isang local singing talent.

Pagkatapos noon ay ipinakilala ni Darlene si Rey na bukod sa inawit ang kanyang mga hit tulad ng “Naaalala ka,” “Maging Sino Ka Man,” “Kumusta ka,” “Pangako,” “Ayoko na sa ‘yo,” “Tayong Dalawa,” “Kahit Maputi na ang Buhok Ko,” “Kung Tayo’y Magkakalayo,” “Malayo Pa Ang Umaga,” “Walang Kapalit,” at “Ako si Superman” ay umakto bilang isang stand-up comedian din.

Pagkatapos ni Rey, ay ipinakilala naman niya si David na inawit ang kanyang mga hit song tulad ng “Got to Believe in Magic,” “Undying Admiration,” “Tryin to Get the Feeling Again,” “If You Walk Away on this Day” na ka duet si Darlene, “Old Songs,” King and Queen of Hearts” at “Born for you.” Kung mayroong One Man Band, si David naman ang one man total performer.

Maganda ang kombinasyong Rey at David dahil tila pinagtiyap ang mababang tono ni Rey, ala “Bread,” at ang pagkamatining na boses ni David, medyo ala “Freddie Mercury.”

Sa ating panayam sa dalawang sikat na singer ay nalaman natin na mahigit lamang isang linggo na nagkakasama sa tour, mula nang maging magkakilala, si Rey at David. Sa kabila ng ikli at kakapusan ng panahon para mag-ensayo, sa obserbasyon ng marami ay patok naman ang Rey-David tandem at mukhang sila ay magkasundong-magkasundo.

Ang show sa Stafford ay inisponsoran ng Happy Owl, Productions, ABS-CBN, at TFC.

Bukod sa Stafford, ay nakapag-perform na sina Rey at David sa Dallas, Texas; at sa Los Angeles. May iskedyul din silang performance sa Bob Hope Theatre sa Stockton, California sa 4 Agosto 2018.

Samantala, ibinunyag ni Rey sa Usaping Bayan na may planong dalhin ang kanilang tandem ni David sa Maynila. Kung sakaling matuloy ito ay tiyak na pagkakaguluhan ang dalawa ng love song diehards.

***

Nagpahayag din si Rey na siya ay magbibitiw na bilang punong hurado ng “Tawag ng Tanghalan” na bahagi ng noontime show na “Its Showtime.” Masyado raw ang presyur na kanyang nararamdaman at marami siyang ibig gawin na hindi niya magawa dahil sa dami ng hindi puwede.

***

Taos pusong nagpapasalamat ang Usaping Bayan kay Ms. Lyvinna “Bing” Lim, na kundi dahil sa kanyang imbitasyon ay hindi natin nasaksihan ang konsiyerto at hindi rin naka­panayam si Rey at David. Salamat nang marami Bing. Mabu­hay ka.

Salamat din kay Bro. Joel ng Freedom Cargo sa kanyang mainit na pagtanggap sa Usaping Bayan, Hataw at Beyond Deadlines.

***

Pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com para sa mga balita sa ating nagbaba­gang panahon. Sana ay makau­galian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadl­ines. Salamat po. Pasyalan n’yo rin ang pahayagang Hataw sa hatawtabloid.com kung saan lumala­bas din ang Usa­ping Bayan tuwing Miyerkoles at Biyernes.

USAPING BAYAN
ni Nelson Forte Flores

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *