Nanawagan ang Pangulo sa Kongreso na ipasa ang batas na magtatatag ng Department of Disaster Management bilang pagbibigay prayoridad sa pangangalaga sa kalikasan.
Hinimok din niya ang Kongreso na ipasa ang batas na tutuldok sa kontraktuwalisasyon.
Nais din niyang magpasa ng batas na magtatayo ng Coconut Farmers Trust Fund.
Ipinamamadali rin ng Pangulo sa Kongreso ang reporma sa pag-aangkat ng bigas mula sa quota system na papalitan ng tariff system upang maging mas madali ang rice importation.