Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

P3-M multa at kulong habambuhay sa amended Anti-Hazing Law (Republic Act No. 11053)

PARA sa mga magulang na ang mga anak ay naging biktima ng hazing, malaking bagay ang Anti-Hazing Act na nilagdaan ni Pangu­long Digong Duterte kamakailan.

Ang Anti-Hazing Act o Republic Act No. 11053 ay tahasang nag­babawal sa hazing at layunin nitong i-regulate ang iba pang porma ng initiation rites ng fraternities, sororities at iba organizations.

Inamyendahan nito ang RA 8049, na nagre-regulate lamang ng hazing at iba pang initiation rites.

Matapos mapaslang si Horacio “Atio” Castillo III, ang freshman law student ng University of Santo Tomas sa hazing at initiation rites ng Aegis Juris Fraternity, trinabaho ng Kongreso ang pag-amyenda sa nasabing batas.

Sa ilalim ng bagong batas, ang mga mapa­patunayang lumabag at nagkasala sa Anti-Hazing Act ay mapaparusahan ng pagka­kakulong habambuhay at magmumulta ng P3 milyon.

Hindi na mabilang sa mga daliri sa kamay at paa kung ilan na ang mga namatay dahil sa hazing.

Pero kinailangan pang magbuwis ng buhay ang isang kabataang gaya ni Atio Castillo — na nagkataong apo ni Dr. Jose Rizal, na nagsabing, “ang kabataan ang pag-asa ng bayan” —  para maamyendahan ang isang mapurol na batas.

Mabuti na lamang at isang gaya ni Senator Ping Lacson, ang nakaisip na huwag mapunta sa wala ang kamatayan ni Atio kaya pinag­sikapan niyang maamyendahan ang batas.

Hintayin natin na matapos ang paglilitis sa mga suspek na miyembro ng Aegis Juris Fraternity, malamang sila ang unang mapapa­tawan ng parusa sa ilalim ng inamyendahang Anti-Hazing Act.

Nawa’y tuluyan nang maging deterrent ang batas na ito laban sa mga ‘berdugo.’

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …