Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai at Kris, pinagtitiyap ng kapalaran

BAGAMA’T wala pang inire-release ang Star Cinema ng eksakto’t opisyal na figures ng kinita ng JoshLia movie sa takilya ay aminado si Kris Aquino na malagihay na tinanggap ito ng mga manonood.

Kung standards nga naman ng Star Cinema ang gagawing basehan, roughly ang P40-M na kinita ng pelikula sa ilang araw ng showing nito’y mababa kaysa inaasahan, considering na tampok pa mandin ang isa sa mga sikat na loveteam ng bansa.

Idagdag pa ang pagka­kasama ni Kris sa movie, kaya ang tanong kung bakit “sumemplang” pa rin ito ay: Anyare???

Sa kanyang social media account ay inako ni Kris ang kinahinatnan ng pelikula, huwag daw ibunton ang sisi kina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Bigla tuloy gumuhit sa aming nahihimbing na alaala ang pagiging flop din ng huling pelikula ni Ai Ai de las Alas sa Star Cinema bago siya nagdesisyong lumipat sa GMA, ang Past Tense na pinagbibidahan ng isa pa ring sikat na tambalang Kim Chiu at Xian Lim.

Sa halip kasi na isulong ang Kim-Xian loveteam ay mas napag-usapan noon ang pakikipagrelasyon ni Ai Ai sa nobyo pa lang na si Gerald Sibayan, mas bata sa kanya nang humigit kumulang na 30 taon.

Bad trip si Ai Ai nang ipatawag siya ng management, akala niya’y isang mahalagang agenda ng pagmimitingan nila. Pero ‘yun pala’y para sabihan lang siya ng mga bossing na kaya sumemplang ang Past Tense ay dahil sa kanya at “pagpo-promote” ng kanyang May-December affair.

May paralelismo kaming nakita agad sa promo campaign ng comeback movie ni Kris.

Bagama’t todo-promote naman ang mga bagets ng kanilang movie, hindi maitatatwa ang katotohanang sapaw na sapaw ito ng mga isyu tungkol kay Kris lalong-lalo na ang naunsiyami nilang relasyon ni QC Mayor Herbert Bautista.

Hindi nga naman bahagi si Bistek ng pelikula pero gamit na gamit ang pangalan ng Golden Boy.

Dating mag-BFF sina Kris at Ai Ai na ngayo’y may  kanya-kanya nang buhay.

Pero mukhang pinagtitiyap pa rin sila ng kapalaran sa sinapit ng kani-kanilang mga pelikula, noon at ngayon.

Nagbabadya kaya ito na pagdating ng araw ay sila pa rin ang mag-BFF? Sabi nga ni Ara Mina, “You can never can (sic) tell.”

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …