Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zanjoe & Empoy’s “Kusina Kings” teaser bentang-benta sa netizens

SIX years ago nang binubuo nina Direk Victor Villanueva at Mr. Enrico Santos ang konsepto ng “Kusina Kings,” sina Zanjoe Marudo at Empoy Marquez na talaga agad ang nasa isip ng dalawa na pagbidahin sa latest movie offering ng Star Cinema na showing na nationwide simula ngayong July 25 (Miyerkoles).

At hindi naman nagkamali sina Direk Victor at Enrico dahil teaser palang ng mga eksena nina Zanjoe at Empoy ay patok na patok na sa netizens at siguradong papasa rin ito sa panlasa ng moviegoers.

Sina Nathalie Hart at Maxine Medina ang katambal rito ng dalawa and knowing Nathalie, wala pa siyang wholesome na pelikula kaya may eksena raw na lalandiin nito si Zanjoe.

Ang pelikula is all about “love, friendship and cooking.” PG ang rating na tinatarget ng Star Cinema sa movie at magandang simula na ang trailer nito ay pumasa sa MTRCB. May double meaning ang punchlines sa movie, pero kung panonooring mabuti, mahihinuhang may rason ang bitaw ng jokes.

Gaya ng ‘nagbabati’ si Ronnie (Zanjoe) na totoo namang nagbabati siya ng itlog. Ang sabi pa nga, puwede sa bata ang Kusina Kings. Karamihan sa cast ng Kusina Kings ay lalaki, mula sa mga bidang sina Zanjoe Marudo at Empoy hanggang kay Ryan Bang. Male humor ang mapapanood ‘pag ipinalabas na ang pelikula.

First time na mapapanood si Zanjoe na sumasayaw at nagdo-joke and of course si Empoy, kilala na sa pagiging komedyante. Pero ayon kay Zanjoe, ang hindi alam ng lahat, mahusay rin kumanta at mapagmahal sa pamilya at sa co-stars.

Kuwento ni Zanjoe, sa shooting nila, laging may pa-halo-halo si Empoy sa cast dahil mainit noong time na nagso-shooting sila. “Mahirap po pala maging ‘kitchenomics’ and sa culinary… mahirap talaga ‘yung mga HRM na ‘yan, mahirap sila. Nakaka-proud kasi sila, sila ‘yung mga natatalsikan ng mga kumukulong mantika, sila ‘yung napapaso.”

Kasama rin sa cast at tila kontrabida ang role ni Ryan Bang at narito rin sina Tiny Corpuz, Jun Sabayton, Joma Labayen, Hyubs Azarcon, Nonong Ballinan at iba pa.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …