Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ruben Soriquez at Garie Concepcion tampok sa The Lease

TAMPOK sina Ruben Maria Soriquez at Garie Concepcion sa pelikulang The Lease na pinamahalaan ng Italian director na si Paolo Bertola. Ang nasa­bing pelikula mula sa Utmost Creatives Production ay show­ing na sa July 25. Ito ay isang kakaibang paranormal horror thriller na dapat abangan ng mahihilig sa ganitong genre.

Makikita sa teaser ng pelikula ang kakaibang timpla at atake nito. Ipinahayag ni Garie na bagay na bagay ito sa ma­hihilig sa katatakutang pano­orin.

“Ang The Lease po ay isang paranormal horror na pelikula. Para po ito sa mga mahilig sa mga nakakatakot at hindi para sa mahihina ang puso,” naka­ngiting saad ng singer/actress.

Ayon naman sa leading man niya, “Isa itong paranormal horror-thriller. Pero ibang klase, kasi may family values at may matututuhan na lesson mula sa kuwento. Kasi, iyong movie ay hindi para manakot lang, kahit nakatatakot siya talaga. Also, ito ay isang indie film pero ang dating ng movie ay pang-main­stream talaga.”

Ano ang reaksiyon niya sa matagumpay nilang premiere night last week?

Sagot ng Filipino-Italian actor/director, “Happy ako dahil very successful ang premiere night. Sobrang saya ko kasi maraming tao, maraming media and press… ‘yung mga tao ay nagustuhan ang movie and kahit na may bagyo, siyempre maraming kaibigan ako, mga kaibigan ko, they didn’t make it, but most of them they did it, nagpunta sila. So I’m happy.

“And I heard from my back, people are crying. Kasi horror (siya), paranormal- horror, pero may puso, may drama rin. Kaya masaya talaga ako.”

Maraming natakot sa movie ninyo direk, maraming nagsisi­gawan sa premiere night dahil sa takot? “Oo and a few times, people just jump on their chairs.”

Si Direk Ruben ay mapapa­nood din sa forthcoming movie titled The Spiders’ Man, isang black comedy hinggil sa autism and family ties na ang ilang eksena ay kinuhaan pa sa Italy. Kasama ni Direk Ruben dito sina Richard Quan, Jeffrey Tam, Lee O’Brian, Rob Sy, Red Ibasco, at ang misis niyang si Lanie Guma­rang. Plano niyang isumite ito sa mga international film festival.

Nakatakda rin niyang i-co-direct with Direk Paolo ang isang kakaibang pelikulang tatampukan nina Pokwang, Lee O’Brian, at iba pang bituin na pinama­gatang My Beast Friend.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …