Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Edgar Allan, nadidiskaril ‘pag may lovelife, focus muna sa career

AMINADO si Edgar Allan Guzman na inuulan siya ng suwerte dahil sunod-sunod ang mga pelikulang ginagawa niya. Ang latest ay ang Pinay Beauty (She’s No White) na pinagbibidahan din nina Chai Fonacier at Maxine Medina handog ng Quantum Films, MJM Productions & Epic Media. 

Ang Pinay Beauty ay isa sa mga pelikulang mapapanood sa Pista ng Pelikulang Pilipino simula Agosto 15 hanggang 21.

“Tuloy-tuloy. Kumbaga after niyong isa, mayroon na naman. Tapos napapasok pa sa mga festival. Sobrang suwerte talaga at thankful na ganoon ang nangyayari,” sambit ni EA (tawag kay Edgar Allan) na ikalawa ang Pinay Beauty sa pelikulang nagawa niya after Mata Tapang.

Kuwento pa ni EA, may gagawin din siyang pelikula with Laurice Guillen”Malaki ang utang na loob ko sa kanya kasi sa Cinemalaya siya ‘yung nagbigay sa akin ng unang award dahil sa ‘Ligo na U, Lapit na Me.’ Excited akong makatrabaho siya.

“ Then ilalabas ko na ang single ko with Jay R. Hindi muna album kasi mas okey ngayon ang diskarte kung single muna para alam mo kung ano at saan ang pupuntahan.”

And speaking of single, natanong ang actor kung totoong single na nga ito.

Aniya, single naman talaga siya dahil hiwalay na siya sa long time GF na si Shaira Mae dela Cruz.

“Sabi nga nila mas maganda ang career kapag wala kang love. At ‘yun naman ang nakikita ko,” aniya dahil hindi lang siya ang may magandang career maging si Shaira Mae dahil may bago itong serye.

“Napatunayan ko naman ‘yun, kasi hindi naman kaya talagang pagsabayin ang career at love,” susog ni EA. “Hindi ako nakikipag-date kasi uunahin ko muna ang pangarap ko na matagal nang napurnada dahil sa pag-ibig. Ito ‘yung bahay,” giit pa ng actor.

Sinabi pa ni EA na hindi siya nalulungkot bagkus masaya siya sa maganda ring nangyayari sa career ng dating GF. ”Hindi naman ako ganoong kasamang tao dahil ganoon ang nangyayari sa kanya (may career). Dapat maging masaya rin para ‘yung blessing balikan lang,”anang binata.

At nang magtanong kung okey lang sa kanyang magkatrabaho sila ni Shaira Mae, ”Depende po kay Sir Noel (Ferrer, manager), hahaha. Ako naman walang pinipili kung sino makatrabaho, basta kahit sino okey sa akin. At kung makakatulong sa akin bakit hindi.”

Iginiit pa ni EA na okey lang din sa kanya kung magkadyowa na ng iba si Shaira. Pero nang tanungin naman siya, ”gusto ko munang ipahinga ang puso ko.”

Kasama rin sa pelikula sina Janus del Prado, Nico Antonio, Hanna Ledesma, Mariko Ledesma, at may special participation sina Amable Tikoy Aguiluz VI, Allan Paule, Lou Veloso, Joel Saracho, Richard Somes at iba paMula ito sa direksiyon ni Jay Abello, ang director na naghatid ng mga pelikulang Red ni Jericho Rosales noong 2014 at Ligaw Liham noong 2007.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …