Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagpo-propose ng Lebanese businessman BF ni Lotlot, idinaan sa dessert

IKAKASAL na ang aktres na si Lotlot de Leon! Nag-propose kay Lotlot si Fadi El Soury (o Fred), ang Lebanese businessman na kasintahan ng aktres nitong July 15, Linggo, sa Nature Wellness Village sa Tagaytay City.

Isang pinggan na may lamang desserts na nakasulat ang mga salitang ”Marry Me” ang inilapag sa harapan ni Lotlot na ikinabigla niya.

Noon pa naman alam ni Lotlot na may plano talaga si Fadi na mag-propose sa kanya, hindi lamang niya alam kung kailan.

At nang sa wakas ay naganap na ito, ano ang una niyang naramdaman?

“Para akong nablangko for a while,” at tumawa si Lotlot.

“She said, ‘What is this? And then she was quiet for a while and then she started crying,” ang kuwento naman ni Fadi.

Ano naman ang unang mga salitang sinabi ni Fadi sa kanyang girlfriend?

“I didn’t say anything, I went down on one knee and then I told her ‘Don’t cry,’” kuwento ni Fadi.

Bakit napili ni Fadi ang July 15 para mag-propose?

“Well, it’s an opportunity and I was planning it, it’s been actually more than one month. Planning to go out-of-town.”

Umiyak si Lotlot nang nag-propose si Fadi at napaiyak na rin ang kanyang groom-to-be.

Malamang ay isang beach wedding ang maganap, at plano nila na sa December ito gawin.

Limang taon at kalahati na ang kanilang relasyon, January 17 ang ika-anim na anibersaryo ng kanilang relasyon.

Bakit December sila magpapakasal?

“Because it’s holiday all around,” wika ni Fadi.

Nagkakilala sila sa pamamagitan ng isang common friend. Muslim si Fadi at Katoliko si Lotlot kaya isang civil wedding ang magiging seremonya ng kanilang kasal.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …