Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jen, iginiit, wala silang planong pakasal ni Dennis

SA madalas na tanong sa kanilang dalawa kung kailan sila magpapakasal ni Dennis Trillo ay hindi nababago ang sagot ni Jennylyn Mercado.

“Naku hindi pa, malayo pa, matagal pa.

“Marami pa kaming mga kailangang gawin sa buhay. Hindi pa kami ready pareho. 

“Bata pa ako, 22 pa lang ako,” at tumawa si Jennylyn, who just turned 32.

At dahil ikakasal ang kapatid ni Dennis ngayong November, malamang nga na hindi pa magpakasal sina Jennylyn at Dennis dahil bawal ang sukob o ‘yung magkapatid na ikakasal sa loob ng isang taon.

“Ah ganoon ba? Wala naman kaming plano, huwag kayong mag-alala,” at muling tumawa si Jennylyn.

So hanggang November 2019 ay hindi puwedeng magpakasal sina Jennnylyn at Dennis.

“Wala naman kaming plano, huwag kayong mag-alala! Ha! Ha! Ha! Wala kaming plano, okay lang ‘yan, safe na safe, walang sukob na magaganap.”

Hindi rin totoong nagpa-secret wedding sina Jennylyn at Dennis sa Balesin last May.

“Wala, wala po, hindi namin plano ‘yan, wala kaming planong ganyan.

“Nag-e-enjoy lang kami.”

Kung sakaling magpapakasal na sila, gusto ba nila na alam ng publiko ang mga kaganapan?

“Hindi namin alam kasi sasabihin namin ‘pag nandiyan na kami. Pero wala eh, sa ngayon gusto lang naming mag-enjoy.”

Kapag may mga nababalitaan o nakikita si Jennylyn na ikinakasal, hindi ba siya naiinggit?

“Wala, eh! Ang dami ko pa kasing iniiisip. Wala muna po.”

Pero masaya siya kapag may nakikita siyang ikinakasal.

“Siyempre naman!”

Kumusta naman ang The Cure series nila sa GMA?

“Naku dumarami na ang mga infected! Medyo gumugulo na ang mga pangyayari so, kailangan tutukan na nila kasi ang dami ng nangyayari.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …