BUMALIK na ang passion niya sa pag-arte, ayon kay Gary Estrada.
For a time kasi ay nag-concentrate siya sa politics bilang Board Member ng lalawigan ng Quezon.
Pero noong hindi siya nanalo bilang Vice-Governor ng Quezon ay muling nabuhay ang interes niya sa pag-aartista.
“Ngayon ulit, bumalik ‘yung drive ko for this job again.
“I’m enjoying myself a lot now, nakita ko na ulit ‘yung drive ko noong nag-uumpisa ako!
“Kasi mawawala pala iyon, ano, lalo na, especially when you started young in showbiz. Ako maaga akong nag-umpisa.
“Eventually I lost it and now ewan ko, nandiyan na ulit ang passion ko in acting.”
Kung gagawing kuwento sa Magpakailanman ang buhay ni Gary, papayag ba siya?
“I really don’t know. You know what… alam n’yo naman ang pinagdaanan ng pamilya namin pero…”
May aalisin ba siyang parte kung sakali?
“Mayroon, alam n’yo naman lahat ng tao mayroong regrets na kailangang kalimutan but you have to move on because parang battle scars ito eh, ito ‘yung sugat na nagturo sa iyo ng leksiyon na eventually made you stand up again.
“Until now you know, losing an election for me, isang buwan akong hindi lumabas ng bahay.
“Ang asawa ko ang nagtutulak sa akin and… funny iyong pagkatalo kong ‘yun ang asawa ko ang nagtulak sa akin para magtrabaho ulit.
“Alam mo ‘yun? Nawala ang passion ko, nawala ang passion ko sa buhay, kasi sanay akong magtrabaho araw-araw bilang politiko.
“I really took it seriously ‘yung aking trabaho bilang Provincial Board Member.
“Tapos noong natalo ako, isang buwan akong hindi lumalabas, ‘yung asawa ko inilabas ako ng bansa, finally, ang asawa ko ang tumawag sa manager ko na hanapan ako ng trabaho!
“Tinawagan niya si Arnold (Vegafria),” ang natatawa pang kuwento ni Gary tungkol sa misis niyang si Bernadette Allison.
“Kaya nakatutuwa kasi I’m enjoying it now again I’m enjoying, the passion kumbaga renewed ‘yung interes ko sa acting.”
So, papayag nga siya na gawin sa Magpakailanman ang buhay niya?
“Let’s see, let’s see. Hindi ko pa alam. Puwede ba ‘yung buhay na lang ng daddy ko, mas interesting ang buhay niya kaysa akin,” at tumawa si Gary.
At kung itatampok ang buhay ng yumaong character actor na si George Estregan, puwedeng si Gary ang gumanap.
“Puwede rin ‘yung anak ko ang gumanap, puwedeng transition ‘di ba? So let’s see.”
Anak ni Gary ang young male star na si Kiko Estrada.
Rated R
ni Rommel Gonzales