Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Queen Rosas mabenta sa mga show sa Bicol

NAGPAPASALAMAT si Queen Rosas sa kaniyang supporters at kahit na going to two decades na ang singing career ay nariyan pa rin sila at pinanonood ang mga regular gig at concert niya. Na-touched si Queen sa response ng crowd nang mag-front act siya sa mall tour ng kaibigang singer na si Nick Vera Perez noong mag-home coming ito sa bansa.

Malaking factor ayon kay Queen ‘yung pagsali niya noon sa isang malawakang singing contest sa isang sikat na TV network na pinuri ang performance niya ng mga huradong sina Rico J Puno at Rey Valera. Samantala gustong ipaalam ng nasabing folk artist (Queen) na sa September 6 ay guest siya sa concert  para sa Parokya ni San Jose sa Dayangdang Naga City. Kinuha siya rito ng number one Kagawad na si Pong Garza ng Dayangdang, Naga City.

Sa buwan din ng September ay tutugtugan ni Queen ang may-ari ng Tripold Bus na nasa Naga rin sa Bikol. Tuwing Sabado ay mapapanood ang regular gig niya sa Bamboo Giant located sa Quirino Ave., Taft Ave., at madalas ay puno ang venue kapag si Queen ang nagso-show.

Ang bentaha niya kasi mahusay nang kuman­ta ng mga folk song ay magaling pang tumugtog ng gitara, kaya naman pinapalakpakan talaga siya ng kanyang audience.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …