Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta Gabby Concepcion
Sharon Cuneta Gabby Concepcion

Pagsisi kay Gabby, ‘di pa tapos (sa ‘di natuloy na movie kay Sharon)

HINDI na matapos-tapos ang pagsisi kay Gabby Concepcion kung bakit hindi natuloy ang pelikula nila ni Sharon Cuneta. Ngayon may bago na namang dahilan daw. Umano, hindi lamang humingi si Gabby ng kapantay na billing, humingi rin siya ng kapantay na talent fee. Gusto rin niya may ka-package iyong isang serye sa telebisyon. Iyon naman ang sinasabi ng kung sinong source.

Noong makita namin iyon, ang una naming naitanong, bakit hihingi si Gabby ng ka-package na serye eh may kontrata siya sa kalabang network. Eh ‘di gugulihin niya ang kanyang sariling career.

Iyong billing at talent fee, siguro nga para sa iba ay kalokohan dahil hindi naman nangyari iyan in the past. Talagang laging mas malaki ang talent fee ni Sharon kaysa kanya. Talagang laging nauuna ang pangalan ni Sharon kaysa kanya sa billing. Pero kailangan ding isipin na iba na ang sitwasyon ngayon. Si Gabby kasi nakapag-comeback na. Si Sharon hindi pa.

Pero ito ang maliwanag eh, hindi ba nila naisip na baka kaya gumawa ng mga ganoong demands si Gabby ay dahil ayaw niyang gawin ang pelikulang iyon? Hindi ba nila naisip na baka ayaw niya ng inialok sa kanyang project. Baka sa tingin niya ay hindi pa tamang panahon para gawin ang kanilang team up. Baka naman naisip niyang mas mabuti kung ang gagawa niyon ay ibang producers.

Maraming dahilan na puwede, iyan naman ay simple lang. Kung hindi ninyo maibibigay ang demands niya ‘di huwag ninyong gawin ang project at humanap kayo ng iba. Ganoon din naman eh, kung ayaw ng isang kompanya sa isang artista, marami rin silang alibi na magagawa kahit na may obligasyon silang igawa iyon ng projects.

Huwag na lang magsisihan.

 

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …