Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagmamahalan nina Cardo (Coco) at Alyana (Yassi) mas pinagtibay at mas lumalim dahil sa pagsubok

ANG super gwapo ni Cardo(Coco Martin) sa latest episodes this week ng kanyang “FPJ’s Ang Probinsyano” lalo na sa panunuyo niyang muli sa misis na si Alyana (Yassi Pressman). Napa­kagan­da ng set na kuha sa isang probin­sya na napapa­ligaran ng mga puno at magagan­dang tanawin. Sa mga eksena nila ni Yassi ay litaw ang poging-poging Coco na kinikilig ang puso nang tanggaping muli ni Alyana ang kanyang pag-ibig.

Nakadagdag pa sa sweet moments ng dalawa ang pinasikat na awitin ng Rockstar na “Mahal Pa Rin” habang parehong nakasakay sa bisekleta at kabayo ang dalawa ganoon na rin ang pangga­gaya ni Cardo kay April Boy Regino sa outfit ng singer habang hinaharana ang kabiyak ng awiting “‘Di Ko Kayang Tanggapin.” Damang-dama mo talaga ang init ng kanilang pagmamahalan na mas lumalim at pinagtibay ng matitinding pagsubok na pareho nilang pinagdaanan.

Samantala ayaw pumayag ni Marco (JC Santos) na ma-winback ni Cardo si Alyana kaya nag-hire pa ang binata ng private army para hanapin at makuha ang kinababaliwang si Alyana at patayin si Cardo. Mas labis naman ang pag-aalala ngayon ng Second Lady ng bansa na Catherine (Alice Dixson) para sa anak na si Marco dahil makasisira sa political career ng daddy nitong bise-presidente ng bansa na si Lucas Cabrera (Edu Manzano) ang pagawa ng masama at pagiging bayolente at kriminal.

Well, like father like son, dahil ganito rin ang gawain ni Vice President Lucas na gustong ipa-assassinate ang Pangulo ng bansa sa serye na si Presidente Oscar Hidalgo (Rowell Santiago) na kanya pa namang kaibigan.

Nagbubunyi pala ngayon si Coco at buong cast ng Ang Probin­syano, directors, Dream­scape Entertain­ment at buong pro­duction people dahil ang episode nila na napanood noong July 12 (Thursday) ay humamig ng record breaking rating na 50.6% sa Rural base sa latest survey ng Kantar Media. Sa Urban ay nagkamit ito ng 42.1%, Metro-41% at 46.2% naman sa National. Mas marami pang malalaking eksena ang mapapanood sa nasabing No.1 show sa bansa kasama ng kaabang-abang na part 2 ng love story nina Cardo at Alyana.

Napapanood ang FPJ’s Ang Probinsyano gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol sa primetime bida block sa ABS-CBN2.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …