Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nash malakas ang dating sa young girls, wish maging recording artist

NAGING matagumpay ang ginanap na show ni katotong Throy Catan sa Music Box last Sunday. Kabilang sa performers ang anak ni Allona Amor na si Nash. Dalawang kanta ang gina­wa rito ni Nash, ang Jail House Rock na pinasikat ng Rock ‘n Roll legend na si Elvis Presley at Kiss ni Tom Jones.

First time naming napanood si Nash at kahit kagagaling lang sa trangkaso at hindi pa masya­dong okay ang lalamunan, huma­taw nang husto rito si Nash. Actually, sing and dance ang ginawa niya, kaya naman patok sa mga audience ang guwapi­tong bagets, lalo sa young girls na present sa show. Katunayan, after ng performance niya ay maraming nagpa-picture sa fourteen years old na si Nash na nag-aaral sa isang exclusive school for boys.

Isa pang napansin namin, talagang bagay sa showbiz ang panganay ni Allona dahil nani­ni­wala siya na kahit anong mang­yari, the show must go on. Anyway, nabanggit ni Nash kung bakit iyon ang kanyang kinanta. “Ang tawag po sa akin ay Old Soul, kasi po ay mahilig ako sa old songs talaga, e. Kabilang po sa idolo ko sina Elvis at Tom Jones.

“I’m really looking forward po riyan, sana nga po ay matupad iyan na magkaroon ako ng opportunity na maging recording artist din,” banggit niya.

Thankful naman si Nash sa suportang ibinibigay sa kanya ng mahal na inang si Allona.

Sa panig ni Allona, ang bilin niya sa anak bago mag-perform ay, “Just enjoy the show, i-enjoy niya lang ‘yung performance niya. At alalay lang, kasi hindi pa siya masyadong magaling, hindi pa siya okay dahil medyo may sakit pa rin si Nash.”

Nabanggit ni Allona na sa ngayon ay gusto niyang mas mag-focus si Nash sa kanyang pag-aaral at pasundot-sundot lang ang pagso-showbiz ng anak.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …