Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

 Direk Reyno Oposa hindi susukuan ang pagdidirek at pagpo-produce kahit nasulot sa malaking proyekto

MEDYO malungkot ang boses ng kaibigan naming director-producer na si Direk Reyno Oposa nang maka-chat namin dahil desmayado siya sa taong pinagkatiwalaan pero tikom muna ang bibig niya sa ngayon at ayaw idetalye kung ano ang ginawa sa kanya ng tinutukoy niyang middle man sa isang malaking proyekto. At mukhang hindi papaapekto si Direk Reyno lalo’t may isang Pinoy daw na nasa Canada ngayon na gustong mag-produce ng movie at siya ang napipisil na mag-direk nito.

Saka maraming alagang artista ang nasabing filmmaker na hindi puwedeng isnabin ang creden­tials dahil nagtapos ng filmmaking sa Toronto Film School at RCC Institute of Tehnology Toronto, Ontario. Tatlong pelikula na rin ang natapos nang i-shoot ang Agulo, Hinagpis ng Gabi, Takipsilim at 9 Na Buwan.

Kabilang sa newcomers at aspiring stars na tinutulungan ni Direk Reyno ang mga alagang sina Lyka Lopez, Celia Castillo, Angela Oposa, Brav Barretto, Jed Kori at ang bini-build-up niyang loveteam nina Amaya Vibal at Tim Rvero (pamangkin sa tunay na buhay).

Basta hindi raw susukuan ni Direk Reyno ang kanyang pagdidirek hanggang hindi nakakapasok ang pelikula niya bilang entry sa mga kilalang local film festivals tulad ng Cinemalaya, Pista ng Pelikulang Pilipino atbp.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …