Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Bagong Immigration arrival & departure card

BILANG karagdagang serbisyo sa mga dumarating at umaalis na travelers sa airports ay may bagong mga arrival and departure cards na ipamimigay sa kanila.

Ayon sa report ni Bureau of Immigration (BI) Deputy Commissioner and Ports Operations Division Chief Marc Red Mariñas kay BI-Com­missioner Jaime Morente, nag-umpisa ang distribution ng mga bagong travel cards sa mga airlines nitong 1 Hulyo 2018.

Layon nito na pag-ibayohin sa proyektong ito ang masusing pagkalap ng mga impormasyon sa mga biyahero upang mapanatili ang maayos na seguridad ng pasahero pati na ng ating bansa.

Sa bagong travel cards ay kinakailangan isulat ang kompletong detalye ng isang pasahero, bukod sa kanilang pangalan ay mayroon din date of birth, nationality, passport number, destination, flight or voyage number, occupation, purpose of travel and port of exit and destination.

Kinakailangan din nilang pirmahan ang mga detalyeng isinulat bilang tanda ng kanilang patotoo sa lahat ng impormasyon na kanilang isiniwalat.

“These improvements will have a big impact in the border management efforts of the Bureau,” ayon kay Morente.

“The information that we collect in our arrival and departure cards is vital in improving our alien monitoring and mapping, as well as gathering added information to ensure our departing kababayans’ safety,” dagdag niya.

Ang mga bagong travel cards ay ipama­mahagi sa lahat ng international airports and seaports sa buong bansa.

IMMIGRATION
E-GATES SA NAIA
BINUKSAN NA

PORMAL nang binuksan kahapon ang Electronic Gates (E-Gates) sa Terminal 1 at Terminal 3 ng NAIA.

Ang E-Gates ay magpapabilis sa proseso ng pagdaan ng mga pasahero sa loob ng 8-15 segundo kompara sa 45-second processing na isinasagawa ngayon sa immigration counters.

P340 milyones ang inilaang budget para sa E-Gates at 18 units ang inisyal na gagamitin.

Target na makapag-install pa ng 11 units para sa NAIA samantala magkakaroon din nito sa Mactan-Cebu International Airport, Kalibo, Davao maging sa Clark.

Nauna nang ginamit ang E-Gates sa ibang bansa at napatunayan na epektibo ito upang mapabilis ang pagdaan ng mga pasahero ganoon din ang pagsugpo sa pagdetermina ng peke o sablay na dokumento.

Gagamitin ang E-Gates sa Filipino counters samantala ang mga foreigner naman ay sa regular counters pa rin daraan para sa masusing proseso sa pagpasok at paglabas ng bansa.

Hindi pa rin mawawalan ng kontrol sa mga pasahero ang mga immigration officer (IO) dahil pagdating sa E-Gate ay may IO na naka-monitor sa mga daraan para asistehan sila sa paggamit.

Hindi na tayo nahuhuli sa ibang bansa na may E-Gates sa immigration area.

Congrats kina BI Commissioner Jaime Morente, DepComms Toby Javier at Red Mari­ñas dahil sa kanilang efforts na gawing moder­no ang pasilidad ng Bureau maging ang pag­sugpo sa krimen ng human trafficking na kara­niwang nagiging problema dahil sa ilang pasa­way nating kababayan!

Bago matapos ang taon ay inaasahan nang makokompleto na ang instilasyon ng E-Gates sa buong bansa!

Kudos BI!

ATTENTION:
MPD DD C/SUPT.
ROLLY ANDUYAN

GOOD pm Ka Jerry, sana bantayan mabuti ni DD Anduyan ang ilang unit sa MPD HQ na pitsaan ang trabaho gaya ng hinuli ng CITF. Lalo na sa bandang likuran ng HQ kahit itanong ni DD kay Totoy. Kawawa ang dalawang PO1 na nahuli, sila ang nasakripisyo. – Concerned MPD personnel.

+6309179192 – – – 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *