Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Bong Go hindi ‘patsutsubibo’

GUSTO natin ang ginagawa ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go.

Matapos magdeklara na hindi siya tatakbo sa eleksiyon, pinatanggal niya ang lahat ng  tarpaulin, poster at iba pang materyales na nagbabando sa kanyang pangalan na tila ba naghahanda sa pagtakbo para sa isang posisyon sa gobyerno.

Nauna nang pumutok na tatakbo umanong Senador si SAP Bong pero itinanggi niya ito. Hindi lang minsan kundi ilang beses niyang itinanggi ito.

Pero dahil mayroong mga urot at mga gustong makaepal hayun sila pa ang nangunguna sa pagpapakalat ng iba’t ibang materyales at campaign paraphernalia na nagpapatampok kay SAP Bong.

Ang nangyayari tuloy, hindi nakatutulong sa pagpapaganda ng imahen ni SAP Bong Go.

Hindi ba’t sobrang pagsisipsip ‘yan?!

Ang inyong lingkod man ay susuportahan si SAP Bong Go, pero sa tamang panahon, hindi ‘yung makasipsip lang ‘e titirada kahit makasisira sa kanyang imahen.

Bakit hindi ninyo hintayin na magdeklara ‘yung tao bago kayo umepal nang umepal?!

Hik hik hik…

Kaya puwede ba, tigilan ninyo ang pag-epal kasi hindi naman papayag si SAP Bong na siya ay inyong matsubibo!

Bow!

HAPPIEST
BIRTHDAY
BI DEPCOM.
RED MARIÑAS

ISANG maligayang bati sa kanyang kaarawan ang atin munang ipinahahatid kay Immigration officer-in-charge, Deputy Commissioner and Ports Operations Chief Marc Red Mariñas.

Si DepCom. Red ang ehemplo at simbolo ng pagkakaroon ng inspirasyon ngayon ng bawat empleyado na kahit magsimula sila sa ibaba ay puwede rin nilang maabot ang isa sa pinakamataas na posisyon sa ahensiya o masasabi nating pinakarurok ng tagumpay.

Rose from the ranks, sabi nga nila.

Nagsimula bilang confidential agent hanggang mabigyan ng item bilang Administrative Aide.

‘Yan ang naging pundasyon ni DepCom Red para magtrabaho nang tapat at maging masigasig hanggang maging isang Immigration Officer patungo sa pagiging Alien Control Officer sa San Fernando, La Union District Office.

Baon ang pagiging matalino, dedikasyon, mabait na kaibigan at maaalalahanin sa kahit sinoman, ito ang naging puhunan niya upang marating kung nasaan man siya ngayon.

Sa mga oras na naging malaking suliranin para sa Bureau of Immigration ang pagkakawatak-watak at hindi pagkakaintindihan ng mga empleyado sa mga airport dahil sa hindi maibigay na benepisyo (OT), sinikap ni Red na mapunuan ang pagkukulang ng kagawaran para magbuklod ang mga naliligaw ng isipan nang sa gayon ay hindi sila bumigay at ipagpatuloy ang sinumpaang serbisyo sa sambayanan.

Bagay na mahirap hanapin, bilang katangian ng isang mabuti at maayos na opisyal ng BI.

Very rare we can find this kind of person, ang isang katulad niya.

Masasabi nga natin na “God’s Gift” ang pagkakaroon ng isang Marc Red Mariñas sa Bureau of Immigration!

Hiling natin sa itaas na sana sa mga darating pang araw o panahon ay magkaroon siya ng sapat na lakas at tibay ng pang-unawa para harapin ang iba pang pagsubok na aabot sa BI.

Kailangan pa ng Bureau ang isang tulad mo, Sir!

Again, a happiest birthday to you, DepCom Marc Red Mariñas and may your tribe increase, Bossing!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *