Monday , November 25 2024

Nikko Natividad, todo-bigay sa pelikulang Bakwit Boys

PATULOY sa paghataw ang showbiz career ng masipag na Kapamilya actor/TV host/dancer na si Nikko Natividad. Bukod sa kaliwa’t kanang TV shows tulad ng It’s Showtime at Umagang Kay Ganda, plus Fudgee Bar na ipalalabas sa Facebook at sa YouTube, pati sa pelikula ay umaarangkada rin siya.

Mapapanood si Nikko sa pelikulang Bakwit Boys na isa sa entry sa darating na Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 ng FDCP na mapapanood mula August 15-21 sa lahat ng sinehan, nation­wide. Bukod kay Nikko, tampok din sa pelikula sina Ryle San­tiago, Vance Larena, Mackie Empuerto, at Devon Seron. Ang pelikula ay under ng T-Rex Entertainment.

Ito’y isinulat at pinamahalaan ni Direk Jason Paul Laxamana, at dito’y level-up na si Nikko dahil bida na siya sa naturang pelikula.

Ang Bakwit Boys ay ukol sa magkakapatid na naging biktima ng kalamidad. Makikita ang ka­nilang katatagan dito sa mga kakaharapin nilang pagsubok, na kabilang sa magiging sandigan nila ang pagmamahal sa musika.

Ayon sa actor na isa sa member ng Hashtags, ang ma­tututuhan sa kanilang pelikula ay pag-abot sa mga pangarap sa buhay sa kabila ng pagdating ng mga pagsubok. “Maraming ka­bat­aan kasi ang takot na abutin ang kanilang mga pangarap dahil lagi nilang iniisip na kulang sila sa pera, kulang ang suporta sa pera at kahirapan. Pero hindi lang naman pera ang kailangan para makuha mo ang iyong pangarap, dahil may mga ibang paraan pa.

“So kapag nagtulungan kayo bilang pamilya, especially na magkakapatid kami rito, lalo sa mga Filipino na passion talaga ang music, kayang-kayang abu­tin ang pangarap kahit na wala kang pera,” pahayag ni Nikko.

Dagdag niya, “Ang pelikula ay magbibigay ng inspirasyon sa mga tao, at hindi ito iyong movie na parang umaarte na kuma­kanta, hindi ganoon. Drama siya about sa magkakapatid na mahal ang music.”

Nabanggit ni Nikko na isang challenge sa kanya ang pelikulang ito. “Na-challenge ako kasi ‘di ba sabi ko ang forte ko ay comedy, hosting… Dito kasi seryoso e, hindi siya comedy, drama talaga. So, pinakamahirap na nagawa kong trabaho ito. Makikita nila rito sa pelikula na ibinigay ko ang lahat ng maka­kaya ko dahil first major movie ko ito, e,” naka­ngiting saad niya.

Puring-puri naman ni Nikko ang kanilang director dito. “Kay direk Paul Laxamana maga­an siya katrabaho, hin­di siya nag­mu­mura, hindi siya sumisigaw, kaya sabi ko sana hu­wag siyang magbago. Kasi nakakatulong sa mga artista na ‘yung direktor ganoon e, hindi nagmumura sa artista, naka­kahiya kasi, e. Bale, cool na cool talaga katrabaho si Direk.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Nadine Lustre

Nadine unfair awayin sa ineendosong produkto

HATAWANni Ed de Leon HINDI maganda ang feedback kay Nadine Lustre na nag-promote ng on line gaming …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *