HINDI buntis si Jennylyn Mercado! Pinabulaanan ito mismo ng aktres.
“Pang-ilang tsika na ba ‘yan?
“Kasi parang sampung beses na akong nabuntis pero isa pa lang ‘yung anak ko,” ang tumatawang reaksiyon pa ni Jennylyn sa tsismis.
“Hindi ko alam kung saan nanggaling ‘yan.”
At ang payat niya kaya paano niya itatago ang pagbubuntis niya.
“Iyon nga, imposible nga, eh. Iyon nga ‘yung…at saka… imposible po eh, wala, hindi po.”
Pero hindi naman siguro imposble kung sakali dahil matagal na rin naman ang relasyon nila ni Dennis Trillo.
“Imposible po talaga, maniwala kayo. Maniwala kayo,” giit ng Kapuso actress.
Ayon pa sa aktres, may monthly period siya habang kausap namin sa taping ng The Cure ng GMA sa San Jose del Monte sa Bulacan Biyernes ng hapon, July 13.
“Kaya hindi talaga! Sabi ko nga, ‘Paano nangyari ‘yun na buntis ako?’
“Sabi ko, ‘Ano ang nangyayari, bakit may ganoon? Saan nanggaling?’
“Hindi ko rin talaga alam.”
Alam naman kasi ng lahat na masaya sila ni Dennis sa relasyon nila.
“Ganoon ba ‘yun, buntis agad?”
Hindi naman “agad” dahil matagal na rin naman ang relasyon nila ni Dennis.
“Hindi pero siyempre uulitin ko ba ‘yung,… ‘di ba? Hindi na.”
So kasal muna bago siya magbuntis?
“Dapat sa tamang paraan na, ‘di ba?
“At saka mukha ba akong buntis? Mukha ba akong buntis?
“Sayang nga, eh.”
So nanghinayang siya na hindi siya buntis; gusto na niya?
“Hindi pa, hindi pa,” at tumawa muli ang Kapuso actress.
Marami naman ang natutuwa kung sakaling buntis siya dahil pabor naman ang karamihan sa relasyon nila ni Dennis.
“’Di bale, darating ‘yun. Darating din ‘yung tamang panahon.”
Gusto niya kapag nagkaanak siya ay sa “tamang paraan” na hindi siya kasal noong nabuntis at nanganak siya kay Alex Jazz sa karelasyon niya noong si Patrick Garcia.
“Kasi ‘di ba, uulitin ko ba ‘yung pagkakamali ko noon?
“Hindi naman pagkakamali, hindi naman siya pagkakamali,” ang mabilis na bawi ni Jen, ”kumbaga ayoko lang niyong ganoong paraaan kasi si Jazz blessing naman kaya happy ako na dumating siya sa buhay ko.”
Ten years old na si Jazz sa Agosto.
Gusto niya na kapag nasundan si Jazz ay planado na at hindi biglaan.
“Opo.”
Rated R
ni Rommel Gonzales