Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tiwala sa grupong nagbibigay ng award, mas mahalaga pa rin

JUST for the record, pag-aralan natin ang odds sa mga awards, at unahin na natin iyong award na pinagtitiwalaan natin, iyong The Eddys.

Napili nilang best actor sa taong ito si Aga Muhlach. May mga nagsasabi na sa lahat naman kasi ng mga nominado, na kinabibilangan niyong sina Abra, Edgar Allan Guzman, Ronaldo Valdez, at Joshua Garcia, talagang si Aga ang may pinakamalakas na following. Masasabi ba natin na ang popularidad o ang popular acceptance ng isang award ay isang malaking factor?

Tingnan naman natin ang kanilang best actress, na ang nanalo ay si Mary Joy Apostol. Ni hindi namin kilala at hindi pa namin nakikita ang batang iyan. Kung ikukompara mo ang kanyang popularidad sa mga nakalaban niyang sina Sharon Cuneta, Bela Padilla, Allesadra de Rossi, at Joanna Ampil, sasabihin mong siya ang pinakawalang name. Pero nanalo siya. Paano mo sasabihing ang popularidad o ang public acceptance ng isang award ay malaking factor?

Pero iyan ay totoo lamang sa mga award giving bodies na kagaya nga niyang SPEEd, na wala ka namang nababalitang anomalya. Kung iyan ay doon sa mga award giving bodies na mismong mga member nila ang umaamin na may anomalya, at hindi na nga masasabing sikreto pa ang pagtanggap ng lagay, sasabihin simpleng “lutong Macao” lang iyan. Hao siao lang.

Ano ang punto namin? Ang gusto lang naming sabihin, na bagama’t mahalaga na ang isang award ay maging katanggap-tanggap sa publiko at paniwalaan, wala iyan sa popularidad ng isang artistang nanalo kundi nasa tiwala rin sa award giving body.

Tingnan ninyo iyong isang artistang nanalo sa mga “awards for sale,” walang naniwala sa panalo niya, at iniismiran ang panalo niya. Nakatutuwa ba ang ganoon? Alam kasi na ang naging batayan sa award na kanyang nakuha ay “kung magkano.” Dahil kung nagkataon na may nagbigay ng mas malaki kaysa kanya, talo rin siya.

Kaya iyang mga award na iyan, hindi talaga dapat lahat pinaniniwalaan.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …