Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jacqueline Comes Home (The Chiong Story), dream movie ni Donna Villa

WALA mang pormal na pag-aaral sa pagdidirehe, kahanga-hangang napamahalaan ni Ysabelle Peach Caparasang pelikulang Jacqueline Comes Home (The Chiong Story) na pinagbibidahan nina Meg Imperial at Donnalyn Bartolome, mula sa Viva Films at mapapanood na sa July 18.

Kumbaga sa musika, widow ang ginamit ni Direk Peach sa pagdidirehe at ang karanasan sa pagiging assistant director (AD) sa kanyang amang si Carlo J. Caparas.

Gradweyt ng Political Science graduate ang 25-anyos na dalaga pero mas ginustong sundan ang yapak ni direk Carlo.

Ang pelikula’y umiikot kina Jacqueline (Meg) at Marijoy (Donnalyn), mga ordinaryong dalaga na may mapagmahal na pamilya.  Malaya silang nakalalabas nang walang bantay, at sa kaso ni Marijoy, malayang magkaroon ng kasintahan.  Kahit mas nakatatanda si Jacqueline sa kapatid at wala pa itong karelasyon, balewala ito sa kanya. Katunayan, mas gusto niyang kasama ang kanilang magulang na si Dionisio at Thelma.

Ngunit ang pagiging ordinaryo ng kanilang buhay ay natapos noong July 16, 1997.  Sa maulang gabing iyon, dinukot ang magkapatid mula sa waiting shed habang nag-aabang ng masasakyan pauwi.  Dinala sila sa liblib na lugar at doon pinagsamantalahan ng anim na kalalakihan.

Kinabukasan, hindi maipaliwanag na pagdadalamhati ang naramdaman ng kanilang mga magulang nang makita nila ang bangkay ni Marijoy habang hindi malaman kung nasaan si Jacqueline.

Ang paghihirap ng pamilya Chiong para mahanap ang hustisya ay makikita sa mahusay na pagganap nina Joel Torre at Alma Moreno.

Sa isang panayam, sinabi ni Direk Peach na nais niyang maging open for interpretation ang pelikula.

Aniya, gusto talaga ng kanyang yumaong ina na si Donna Villa na gawin ang pelikulang ito noong ito’y nabubuhay pa.

Ang Jacqueline Comes Home (The Chiong Story) ay isang nakaaantig na crime drama hango sa kontrobersiyal nareal-life rape and murder case ng magkapatid na Chiong sa Cebu 21 na ang nakalilipas.

Si Ryan Eigenmann ay gumaganap bilang isa sa mga lalaking umabuso sa mga dalaga.

Bago ginawa ang rape scene, tinanong ng aktor kung ano ang mga bawal para hindi maging uncomfortable ang mga aktres.  Bilang mga propesyonal din naman sina Meg at Donnalyn, buong tiwala nilang ipinaubaya kay Direk Peach ang direksiyon para magawa nila ng mahusay ang eksena.

Ang Jacqueline Comes Home (The Chiong Story) ay isang pelikulang mula sa puso ng mga aktor at direktor. Inaasahang tatagos ito sa puso ng marami.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …