Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
drugs pot session arrest

Pulis, 12 pa tiklo sa pot session

ARESTADO ang isang pulis at 12 drug personalities  sa ikinasang anti-illegal drug operation ng mga operatiba ng Northern Police District (NPD) sa Navotas Fish Port Complex sa Navotas City.

Ayon sa ulat ng pulisya, huli sa akto si PO2 Michael del Monte, 42, nakatalaga sa Caloocan City Police at residente Herbosa St., Tondo, Maynila, at walo pang drug personalities nang maaktohang bumabatak ng hinihinalang shabu.

Nauna rito, dakong 11:30 pm, nang madakip sa buy-bust operation nang pinagsanib na mga tauhan ng Navotas City police, District Drug Enforcement Unit (DDEU), at District Special Operations Unit (DSOU), sa pangunguna ni Insp. Danilo Songalia, ang tatlong suspek na sina Romeo Santiago alias Manok, 33; Melenia Santiago, 53, kapwa ng Sagingan, Market 3, Brgy. North Bay Boulevard North, at Mark Jay-R Ramirez, 30, ng Yellow Ville, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS), makaraan magbenta ng isang pack ng shabu sa police poseur buyer, kapalit ng P500 marked money.

Pagkaraan  nahuli nila sa aktong gumagamit umano ng shabu si Del Monte, James Castelo, 35; Joselito Amantillo, 54; Ronald Manalus, 22; Efren Alto, 29; Ritchie Buenaventura, 33; Marvin Casil, 38; Juan Batiancilla, 63, at Rose Ann Leong. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …