Monday , December 23 2024

Maagang election campaign aprobado sa Korte Suprema

MAGANDANG balita para sa mga politiko. Hindi na bawal ang maagang pangangampanya para sa eleksiyon.

Wow! Tuwang-tuwa ang mga ‘tagasoga’ ng mga politiko!

Ayon kay Supreme Court (SC) spokesman Atty. Theodore Te, lahat ng mga politikong gustong tumakbo bilang senador ay maaari nang maglunsad ng kanilang mga aktibidad at magsabit ng kanilang mga poster o tarpaulin.

Mayroon na raw naging desisyon ang Supreme Court na tanggalin ang premature campaign bilang election offense.

Noong 2009 umano, binago ng SC ang election campaign landscape sa kasong inihain ni Sta. Monica, Surigao del Norte Mayor Rosalinda Penera.

Sa 2009 SC ruling binaliktad nito ang naunang desisyon na diskalipikado si Penera noong 2007 mid-term elections.

Dahil umano sa nasabing desisyon, agad tinanggal ang premature campaign bilang paglabag at hinayaang mangampanya ang mga kandidato nang mas maaga sa prescribed period sa ilalim ng Omnibus Election Code.

Sa pahayag na ‘yan ng Korte Suprema, aba marami ang matutuwa at magsasaya.

Lalo’t maraming politiko ngayon ang nagtitipid at nagkukuripot. Ang pangangampanya nila ay idinadaan sa social media kaya kumuha ng mga kabataang mahuhusay sa Information Technology (IT).

Habang mayroon namang mga politiko na naghahanda para sa mga programa nilang feeding program, medical missions, at malamang bago mag-Oktubre ay lumarga na ang operation tuli.

At ‘yang kasipagan na ‘yan ng mga politiko sa ganitong panahon ay sinasamantala naman ng mga mamamayan.

Lalo na ‘yung mga kababayan natin na pinababayaan ng inihalal nilang mga kandidato pagkatapos ng eleksiyon.

Pagkatapos ng pahayag na ito ni SC spokesperson Te, malamang babalandra na naman kung saan-saan ang mga ‘pamilyar na mukha’ ng mga politikong gustong ‘manligaw’ sa mga mamamayan.

Therefore, huwag kalilimutan, pakinggan ang sinasabi ng mga politiko, tanggapin ang token o giveaways pero huwag na huwag magka-kamaling iboto ang mga tamang tao at ibasura ang mga manloloko.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *