Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Maagang election campaign aprobado sa Korte Suprema

MAGANDANG balita para sa mga politiko. Hindi na bawal ang maagang pangangampanya para sa eleksiyon.

Wow! Tuwang-tuwa ang mga ‘tagasoga’ ng mga politiko!

Ayon kay Supreme Court (SC) spokesman Atty. Theodore Te, lahat ng mga politikong gustong tumakbo bilang senador ay maaari nang maglunsad ng kanilang mga aktibidad at magsabit ng kanilang mga poster o tarpaulin.

Mayroon na raw naging desisyon ang Supreme Court na tanggalin ang premature campaign bilang election offense.

Noong 2009 umano, binago ng SC ang election campaign landscape sa kasong inihain ni Sta. Monica, Surigao del Norte Mayor Rosalinda Penera.

Sa 2009 SC ruling binaliktad nito ang naunang desisyon na diskalipikado si Penera noong 2007 mid-term elections.

Dahil umano sa nasabing desisyon, agad tinanggal ang premature campaign bilang paglabag at hinayaang mangampanya ang mga kandidato nang mas maaga sa prescribed period sa ilalim ng Omnibus Election Code.

Sa pahayag na ‘yan ng Korte Suprema, aba marami ang matutuwa at magsasaya.

Lalo’t maraming politiko ngayon ang nagtitipid at nagkukuripot. Ang pangangampanya nila ay idinadaan sa social media kaya kumuha ng mga kabataang mahuhusay sa Information Technology (IT).

Habang mayroon namang mga politiko na naghahanda para sa mga programa nilang feeding program, medical missions, at malamang bago mag-Oktubre ay lumarga na ang operation tuli.

At ‘yang kasipagan na ‘yan ng mga politiko sa ganitong panahon ay sinasamantala naman ng mga mamamayan.

Lalo na ‘yung mga kababayan natin na pinababayaan ng inihalal nilang mga kandidato pagkatapos ng eleksiyon.

Pagkatapos ng pahayag na ito ni SC spokesperson Te, malamang babalandra na naman kung saan-saan ang mga ‘pamilyar na mukha’ ng mga politikong gustong ‘manligaw’ sa mga mamamayan.

Therefore, huwag kalilimutan, pakinggan ang sinasabi ng mga politiko, tanggapin ang token o giveaways pero huwag na huwag magka-kamaling iboto ang mga tamang tao at ibasura ang mga manloloko.

PABAYANG BARANGAY
OFFICIALS TATAPATAN
NG DISMISSAL
NI TATAY DIGONG

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na ipatatanggal niya sa tungkulin ang mga newly-elected official kung hindi nila gagawing ligtas at malinis ang mga barangay na kanilang nasasakupan.

Sinabi ito ni Tatay Digong sa 4,000 newly elected barangay captains sa Calabarzon, Sta. Rosa, Laguna nitong Huwebes.

Matindi ang pagbabanta ni Tatay Digs. Suspensiyon o outright dismissal sa mga barangay chairman na magpapabaya sa kanilang tungkulin lalo na kung namumunini ang illegal drugs at iba pang uri ng kriminalidad sa kanilang area of responsibility (AOR).

“‘Pag ang barangay ninyo palaging lumalabas sa intelligence community na maraming transaksiyon na droga ibig sabihin hindi kayo gumagalaw…

“I will give you a chance. Ang pinaka (The gravest) is gross neglect of duty and I can either suspend you or dismiss you outright,” anang Pangulo.

Aba ‘e huwag nang lumayo ang mahal na Pangulo. Ilang metro lang mula sa Malacañang ang barangay na kinaroroonan ng Plaza Lawton na hanggang ngayon ay dinadapurak pa rin ng mga operator ng illegal terminal.

Maliwanag na krimen ‘yan!

Dapat siguro’y masampolan na agad ang barangay officials na nakasasakop sa nasabing barangay nag sa gayon ay maipamukha ni tatay Digs na hindi siya nagbibiro.

Harinawang maiulat sa Malacañang ang mga ilegalista sa Lawton!

BRGY. CHAIRMAN
NAMEMERA NA KAAGAD?!
(ATTENTION: DILG)

ISANG bagong halal na barangay kapitan na si alias Chairman Bombero sa Sta Cruz, Avenida at Ongpin ang nakikialam at nagpapakilala na agad sa parking at vendors.

Sobra na ang ginagawang panggigipit ng kanyang mga barangay tanghod ‘este tanod para lang makakolektong.

Paging DILG , Manila Barangay Bureau at Office of the Mayor.

Hindi ka pa nakapagsisilbi sa barangay mo ‘e pamemera na kaagad ang inaatupag mo!

Sonabagan!!!

Hindi peace and order ang inuuna ni alias Chairman Bombero sa kanyang barangay kundi ang kapain at tarahan ang mga pasugalan sa teritoryo n’ya?!

Mukhang nagbabawi si alias Chairman Bombero sa ginastos niya sa katatapos na barangay election.

DILG Usec. Martin Diño, pakiimbestigahan agad itong si Chairman Bombero!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *