Friday , November 15 2024

Imahen ng PNP muling nasira

MULI na naman nasira ang imahen ng pulisya dahil sa kagagohan ng ilang tauhan ng Special Drug Enforcement Unit ng Muntinlpa City Police, matapos kidnapin ang isang ginang at 7-anyos na anak niya.

Ipinatutubos ng P400,000 hanggang magka­roon ng tawaran naging P200,000 at nang hindi makayanan ang halaga ng salapi ay bumaba sa P40,000. Grabe ‘di po ba?

Ang mga hinayupak na mga pulis ay pinagsisibak sa puwesto ni NCRPO director, P/Chief Supt. Guillermo Eleazar, bukod sa walong tauhan ng nabanggit na unit, kasamang sinibak sa puwesto ang hepe ng Muntinlupa police na si S/Supt. Dionisio Bartolome at pinasampahan ng mga kasong Kidnapping at Robbery Extortion ang mga nasabing pulis.

****

Karamihan sa mga pulis na sinibak sa kanilang puwesto ay may mga ranggong PO1 at PO2. Ano ba ‘yan? Mga bagitong pulis ang kadalasan ay nasasangkot sa mauruming Gawain. Naghahangad agad ng salapi at ‘di na alintana ang kanilang sinumpaang tungkulin at niyurakan na ang kanilang dangal! Bago maging pulis ay daraan ka sa maraming pagsasanay at eksaminasyon, heto at binalewala ng lahat ng mga ungas na pulis ng Muntinlupa City.

Ngayon, paano manunumbalik muli ang pagtitiwala ng taongbayan sa mga unipormadong pulis?

****

Katatapos ng balitang ito, isa na namang binata ang dinukot sa Pasay Rotonda sa loob umano ng isang fast food chain, dakong 10:00 ng umaga at sapilitang kinuha ang isang 27 anyos na binata, may kasamang menor de edad. Ayon sa mga saksi, isinakay sa isang kulay puting van na walang plaka. Nataranta ang pamilya kaya hinanap nila ang binatang dinukot na ayon sa mga testigo ay pawang nakasibilyan at nagpakilalang mga pulis.

Pinosasan ang 27-anyos na binata. Anong klaseng operasyon itong aksiyon na ito ng pulisya? Hindi na lamang hintayin na lumabas ng fastfood chain ang taong target nila sakaling ito nga ay wanted o may kasong kinasasangkutan.

Parang isang pelikula na nagkagulo ang mga kostumer sa nabanggit na food chain. Naganap ito noong Saba­do ng gabi 10:00 pm. Ang masa­kit sa nararam­da­man ngayon ng pamilya, na­sa­an ang bina­tang dinu­kot ng mga nag­paki­lalang pulis at ang menor de ead na kasa­ma?

 

KONTRA ILEGAL NA DROGA

PAIIGTINGIN

Paiigtingin  ng Barangay San Isidro sa lungsod ng Parañaque, ang kampanya laban sa ilegal na droga, kaya nagtatag ang nasabing Barangay ng Barangay Anti-Drug Council o BADAC upang masiguro na ligtas ang kanilang Barangay sa naglipanang ilegal na droga at masubaybayan nang todo ang kanilang komunidad.

Ayon kay barangay chairman Noel Japlos, maging ang mga barangay tanod ay sumailalim sa orientaion, partikular sa street level illegal dug trade, sa pamamagitan ng orientaion, seminars at training.

****

Ang barangay ay isa sa may mahalagang papel o partisipasyon sa pagsugpo ng anomang uri ng krimen sa mga sakop na lugar patikular sa mga ilegal na droga dahil sila ang dapat nakamata sa mga kakaibang kilos ng mga taong may ilegal na aktibidad sa kanilang Barangay. Hinimok din ni Brgy. Captain Japlos ang Parents Teachers Association (PTA) ng iba’t ibang eskuwelahan, pribado at public schools, youth groups, boy and girl scouts, religious organizations, senior citizens, homeowners associations, tricycle drivers and operator associations  (TODA) na existing sa sakop niyang barangay, na magsagawa ng regular o monthly consultative meetings.

****

Isa itong aksiyon o magandang hakbang na dapat pamarisan ng ilang barangay heads, hindi lamang sa Brgy. San Isidro ng lungsod ng Parañaque, maging sa lahat ng barangay sa kalakhang Maynila. Dahil mahalaga ang papel ng bawat barangay na  mangunguna sa pagtuklas kung may masasamang elemento sa sakop na lugar.

ISUMBONG MO
KAY DRAGON LADY
ni Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *