Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Erika Mae Salas, mapapanood sa pelikulang Spoken Words

BUKOD sa talent sa pag­kanta, magpapakitang gilas din si Erika Mae Salas sa kanyang acting ability sa pelikulang Spoken Words. Ayon kay Erika Mae, malaking blessing sa kanya ang pagkakasali sa pelikulang ito ng RLTV Entertainment Pro­ductions at Infinite Powertech at mula sa pamamahala nina Direk Ronald Abad at Direk John Ray Garcia.

“I am so blessed and honored po na makasama po sa Spoken Words. Since this is my first movie po, marami po akong natutuhan and sobra po ako nag-enjoy dito,” saad ng versa­tile na singer/actress.

Dagdag ni Erika Mae, “This movie po, made-describe ko po siya as “pang-pamilya.” Since it’s a family-oriented po and ipinapakita po rito how millenials act nowadays. Marami po silang matututu­han dito and sigurado pong mae-enjoy nila ang movie.

“Ang bida po namin dito ay si Kuya Erwin Buenaventura, siya po si Rence sa movie. Kasama rin sa casts sina Matt San Juan, Mich Rapadas, John Patrick Picar, Patrick Alba, Marco Novenario, at marami pa pong iba.”

Ano ang role niya sa pelikula? “Ang role ko po rito sa movie ay si Aira, siya po ‘yung bestfriend ng kapatid ng bida at may crush sa kanyang kuya. Made-describe ko po si Aira as a kikay girl,” nakangiting saad ng magandang recording artit.

Nabanggit din niya ang aral na mapupulot sa kanilang pelikulang Spoken Words. “Ang aral na mapupulot sa movie ay love your family and your parents knows what’s best for you. Kaya teenagers need to be more open po sa kanilang mga magulang and huwag kinikimkim lamang ang kanilang mga problema.”

Ayon kay Erika Mae, kasali rin siya sa Official Sound Track (OST) ng kanilang pelikula. “Part po pala ng OST album ng movie ang single ko na Ako Nga Ba at ang collab namin ni kuya Patrick Picar na Kupido.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …