NAGBIGAY ng testimonya kamakailan ang whistleblower na si Marina Sula at ang government witness na si Arlene Baltazar sa trial ni dating Senador Ramon Revilla, Jr. sa kaso nitong plunder sa First Division ng Sandiganbayan.
Sa testimonya ng dalawa, lumalabas na walang kinalaman si Revilla sa umano’y Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.
Ani Baltazar, (accountant at bookkeeper ng JLN Corporation) gayundin ni Sula na ang mga dokumentong nag-uugnay kay Revilla ay inihanda mula sa kanilang opisina at pinirmahan ni Benhur Luy. Kasama na rito ang mga letter of endorsement.
“Pirma po ni Benhur lahat ng mga ito,” pahayag ni Baltazar.
Nang tanungin si Baltazar kung paano niya nakilala ang pirma ni Luy sa mga dokumento, sinabi nitong, “Standard practice po. Nakita ko siyang pumipirma. No one else signs sa amin. Si Benhur lang ang pumipirma.”
Sa cross examination naman ng prosecution, tiniyak ni Sula na si Benhur ang nag-fake ng mga document at hindi iyon alam ni Revilla. “Magkalapit lang po kami (two feet apart),” anito.
Bago matapos ang testimony ni Baltazar, tinanong siya ni Justice Geraldine Faith Econg kung sigurado ito na hindi tumanggap ng anumang kickbacks na sinagot niya ng, “I can say with certainly that Ramon Bong Revilla, Jr. did not receive any money or kickbacks from the NGP’s.”
Maging si Sula ay pinanindigang si Luy ang gumagawa ng mga fake PDAP documents laban kay Revilla.
Tinawagan pa nga siya nito para sabihing, “Idiin mo ‘yang si Revilla.
“Ngayon lang po ako nabigyan ng pagkakataon na masabi ang nalalaman ko. Nagsasabi lang ako ng totoo,” dugtong pa ni Sula.
Marami ang natuwa dahil lumabas na ang katotohanang walang kinalaman si Bong sa PDAF scam.
“Naiiyak at natutuwa po ako ng sabay. After four years, four long years. Today’s revelations only confirm what I have known from the beginning – that I was targeted,” anang actor/politician.
Iginiit ni Revilla na hindi siya gumawa o pumirma ng endorsements letters, Memorandum of Agreement (MOAs), at liquidation reports. “Wala po akong natatanggap –never- from PDAF or whatsoever from Janet Lim Napoles or anyboday from JLN,” paglilinaw ng dating Senator.
Hiniling naman ng abogado ni Revilla sa korte na ialis si Luy sa Witness Protection Program at i-revoke ang immunity.
ANIK-ANIK
ni Eddie Littlefield