Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Passport On Wheels (POW) ng DFA umarangkada sa serbisyo publiko

HINDI kayang tawaran ang pagsisikap ng Department of Foreign Affairs (DFA) upang makapagbigay ng serbisyo publiko sa pamamagitan ng pagdadala ng Passport on Wheels (POW) sa mga opisina, ospital, subdivision at paaralan sa buong Filipinas.

Ayon sa DFA, simula nang inilunsad nila ang programang POW nitong Enero 2018, nadagdagan ang kanilang kapasidad na makapagbigay ng serbisyo sa passport applicants.

“Sa pamamagitan ng Passport on Wheels, hindi lang natin nailapit ang consular services sa mga mamamayan, kundi ang mas importante, ay naserbisyohan natin ang hindi kukulangin sa 138,000 aplikante mula noong Enero,” masayang kuwento ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter S. Cayetano.

Sa mga siyudad at munisipalidad, dinalaw din POW ang ilang tanggapan ng gobyerno gaya ng Malacañang, Senate, House of Representatives, Department of Health, National Commission on Muslim Filipinos, Armed Forces of the Philippines, Bangko Sentral ng Pilipinas, at Subic Bay Metropolitan Authority.

Maging ang mga empleyado ng GMA Network, Aboitiz at Nestle ay nakinabang sa POW program. Nagpunta rin ang DFA sa mga ospital gaya ng St. Luke’s Medical Center at Tri-City Medical Center, at mga partner na homeowners associations tulad ng Loyola Grand Villas sa Quezon City, para magsagawa ng consular missions.

Ganito rin ang ginawa nila noong nakaraang 30 Hunyo, dinalaw ng POW ang Xavier School para serbisyohan ang 1,903 aplikante.

Sinabi ng Kalihim na kahit anong LGU, kompanya, paaraalan o organisasyon ay ma­aaring maka-avail ng POW service, kailangan lamang nila na magpadala ng written request sa Assistant Secretary for Consular Affairs ng DFA sa email na [email protected].

Kailangan lamanin ng nasabing sulat ang estimated number ng mga aplikante (na hindi bababa sa 500 at hindi lalampas sa 2,000), pangalan, contact details ng designated Passport Coordinator, at ang nais nilang schedule.

Sinabi ni Assistant Secretary for Consular Affairs Frank Cimafranca na ang demand sa passport ay lubhang tumaas mula nang taong 2016 dahil sa dumaraming middle class na indibidwal, pagkakaroon ng abot-kayang plane fares, at nakahihikayat na oportunidad ng trabaho sa ibang bansa.

Bukod sa programang POW, inilahad ni Assistant Secretary Cimafranca ang iba pang hakbang na isinagawa ng DFA para matugunan ang demand ng publiko sa passport.

Binuksan kamakailan ng DFA ang mga bago nitong consular offices sa Tacloban City, sa San Nicolas sa Ilocos Norte at Santiago City, Isabela, samantala, ang DFA Aseana na matatagpuan sa Parañaque ay binuksan na rin ang kanilang passport services tuwing Sabado, nito lamang taon.

Dinagdagan ng DFA ang kapasidad ng bawat consular offices, pinalawak ang courtesy lane sa mga sektor na nangangailangan, at higit sa lahat, hinuli ang mga fixer at scammers.

KONSEHAL ECSTASY
NG TAGUIG CITY
MUNTIK MAKALUSOT
DAHIL SA CALL-A-FRIEND?

TANONG: Paano magiging matagumpay ang drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte kung ang mga nahuhuling may posisyon sa local government unit (LGU) ay mabilis na nakapagko-call-a-friend sa mga opisyal na ‘malapit’ din sa Malacañang?!

‘Yan daw ang ginamit na panangga ng isang Taguig councilor nang matimbog sa isang kilalang casino-hotel sa Parañaque at nakuhaan ng hindi kukulangin sa 3o tabletas ng Ecstasy.

Kung hindi tayo nagkakamali, nitong nakaraang linggo lang nangyari ‘yan.

Sa totoo lang, itinago pa ito ng ilang police official sa media kasi VIP treatment pala si konsehal sa tanggapan ng isang police bossing.

Araguy!

Mabuti na lamang at very vigilant ang mga katoto nating media people sa south Metro kaya ‘naamoy’ agad nila na mayroong kakai­bang nangyayari sa opisina ng isang Parañaque police official.

By the way, ano na nga ba ang nangyari kay Konsehal Ecstasy? Nakakulong na ba? Naka­pagpiyansa? O nagpapalamig-lamig na sa opisina ng kanyang call-a-friend?!

Paki-update naman kami Chief Supt Victor Rosete?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *