Friday , November 15 2024

Alvarez, nagpaplano ng ‘no-el’ dahil kabadong ‘di mananalo

PALIBHASA’Y matata­pos na ang termino at hindi nakatitiyak na muling mananalo, nais ni House Speaker Panta­leon Alva­rez na hindi matuloy ang 2019 midterm elections.

Ginagawang susi ni Alvarez ang kanyang sarili sa tagumpay ng panukalang pagpapalit sa Saligang Batas tungo sa federalism para itago ang kanyang personal na motibo.

Sabi niya, ang kan­yang giit na pagkansela sa nalalapit na eleksiyon ay magpapabilis sa transition at proseso tungo sa federal form of government.

Aba’y, bukod sa pagiging ‘henyo-henyohan’ ay tagapagligtas na ‘mesias’ pa pala ang tingin ni Alvarez sa kanyang sarili.

Hindi kaya naisip ni Alvarez na ihahakot nila ng maraming kaaway ang administrasyon ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte at posibleng lumikha pa nang malaking gulo sakaling magtagumpay ang kanyang masamang balakin na suportado naman ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III?

Ultimo supporters ng kasalukuyang adminis­trasyon ay tiyak na hindi magiging katanggap-tanggap na maudlot ang nakatakdang eleksiyon, lalo sa mga atat na atat nang sumagupa sa mga incumbent na hindi kaalyado ni Pres. Digong.

Wala naman tayong nakikita na anomang problema kung ang mga susunod na mahahalal sa Kamara at Senado ang tatayo bilang Constituent Assembly dahil puwede naman matuloy ang isinusulong na pagbabago sa Saligang Batas kahit wala si Alvarez.

May katuwiran namang umikot ang tumbong ni Alvarez dahil baka totohanin ni Davao City Mayor Sara Duterte ang banta na ikakampanya ang kanyang makakalaban sa susunod na eleksiyon.

Dapat lang kabahan si Alvarez na magmuk­hang ebak kapag ‘di napabilang sa mga magpa­pasa ng isinusulong na pagbabago sa Saligang Batas.

 

SINOPLA NG PALASYO,

BUTATA PATI SI SOTTO

HINDI pa man natutuyo ang laway ni Alvarez ay agad na dumistansiya sa kanya ang Palasyo.

Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque: ”Hanggang hindi po mababago ang petsa ng halalan na nakasaad sa ating Saligang Batas, ipapatupad po ‘yan ng Presidente, matutuloy po ang eleksiyon sa 2019.”

Bigo rin ang ‘sipsip-higop epek’ ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na nakisakay sa tsubibong maipagpaliban ang 2019 mid-term elections.

Akalain n’yo, parang stuntman pala si Sotto kung tumambling, gayong dati ay tutol sa pagpapaliban ng eleksiyon na aniya ay labag sa Saligang Batas.

Pero butata kay Sen. Chiz Escudero ang biglang pagsirko ni Sotto na ngayon ay nagsabing maaari raw magpasa ng batas ang Kongreso na babago sa mga probisyon ng 1987 Constitution.

“May kapangyarihan ba ang Kongreso na i-postpone ang halalan natin? Sa pananiwala ko, wala. Kailangangan mo ng pagbabago, amendment sa Saligang Batas bago ma-postpone ang national and local elections,” sabi ni Escudero.

Ibig sabihin, ang pagdaraos ng mga eleksiyon ay itinakda sa Saligang Batas at ang tanging paraan na mabago ay sa pamamagitan ng Constitutional amendment na hindi saklaw ng Kongreso.

Aray ko po!

 

ITANONG N’YO KAY ANDANAR

ANIBERSARYO pala kahapon nang igawad ang desisyon sa arbitration case na pumabor sa atin laban sa China.

Bumandera sa Metro Manila ang mga pulang tarpaulin na nakasabit sa mga footbridge na ang nakasulat ay: ‘WELCOME TO THE PHILIPPINES, PROVINCE OF CHINA’

Wala pang nakaaalam kung sino ang may pakana nito na humakot ng sari-saring reaksiyon mula sa netizens — may natuwa at may nagalit.

Hindi kaya si Sec. Martin Andanar at ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang nasa likod ng mga banner para ikampanya ang mga programa ng China sa telebisyon na ipalalabas sa government owned PTV-4?

Hehehe!

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *