Monday , December 23 2024

SAP Bong Go… waley sa survey pa lang?

MAINGAY pero bakit hindi rehistrado?

Mukhang ganito ang kapalaran ng pangalan ni Special Assistance to the President (SAP) Bong Go sa latest Pulse Asia Survey on senatorial race.

Nang tinitingnan natin ang listahan ng False ‘este Pulse Asia survey, nadesmaya po tayo dahil hindi natin nakita ang pangalan ni SAP Bong sa unang 12, ‘e di lalong wala sa unang anim.

Doon natin siya nakita sa kulelat na bracket. Kumbaga sa diyaryong pang-dose pahina, nasa page 13 siya.

Araguy!

Mantakin ninyo, tinalo pa siya ni Mayor Sara Duterte-Carpio na humanay sa unang anim na mga beteranong senador.

Wattafak!?

Mukhang imbes pumailanlang ang kanyang pangalan ay walang ‘epek’ ang gimik ng mga nakapaligid sa kanya.

Kumbaga, walang bilang kung ano man ang ginagawa ng mga sepsep na nakapaligid sa kanya…

Hindi man po idineklara ni SAP Bong na tatakbo siya, ‘e panay naman ang pa-epek  ng mga nakapaligid at nagpapapogi sa kanya.

Nariyan ang billboard, pamamahagi ng kung ano-anong giveaways, basketball, rubber shoes, relief goods etc —  pero bakit wala pa rin namang epek?

Kulang tatlong buwan na lang, filing of candidacy na naman para sa May 2019 elections pero kung hindi man makasampa sa unang 12 ang pangalan ni SAP Bong, makahabol kaya siya?

E kasi naman, ang daming umeepal at umaastang ini-endorse nila si SAP Bong, pero ang tanong, may karapatan ba silang mag-endoso!?

Karamihan pa naman ng mga madadaldal na umeepal e ‘yung mga walang kredebilidad, mga kilalang mahilig sumabit at dumikit, laos na taartits at mga su­mem­plang na politiko.

Paanong aangat sa suvey kung ‘mantsado’ ang mga dikit nang dikit at buntot nang buntot pero wala namang hatak?

Kahit sa social media, hindi nga makakuha ng positibong feedback.

Buti pa ‘yung isang kakilala natin, “ismol but teribol.” Hindi madaldal, hindi maingay pero panay ang gawa, pabor sa positibong imahen ni SAP Bong.

Keep up the good work, Ismol Boy!

Anyway, kung talagang tatakbo si SAP sa Senado, panahon na siguro para linisin muna niya ang mga nakapaligid sa kanya lalo na ‘yung mga nakasisira sa kanyang pangalan pero panay ang buntot.

Sa totoo lang, kung talagang tatakbo siya, isa lang po ang kailangan… ang ‘magic endorse­ment’ ni Tatay Digong.

‘Yun lang po! Siguradong pasok na siya…

Pansamantala, pag-isipan niyang mabuti kung paano ipapagpag ang mga ‘malas.’


Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *