Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

SAP Bong Go… waley sa survey pa lang?

MAINGAY pero bakit hindi rehistrado?

Mukhang ganito ang kapalaran ng pangalan ni Special Assistance to the President (SAP) Bong Go sa latest Pulse Asia Survey on senatorial race.

Nang tinitingnan natin ang listahan ng False ‘este Pulse Asia survey, nadesmaya po tayo dahil hindi natin nakita ang pangalan ni SAP Bong sa unang 12, ‘e di lalong wala sa unang anim.

Doon natin siya nakita sa kulelat na bracket. Kumbaga sa diyaryong pang-dose pahina, nasa page 13 siya.

Araguy!

Mantakin ninyo, tinalo pa siya ni Mayor Sara Duterte-Carpio na humanay sa unang anim na mga beteranong senador.

Wattafak!?

Mukhang imbes pumailanlang ang kanyang pangalan ay walang ‘epek’ ang gimik ng mga nakapaligid sa kanya.

Kumbaga, walang bilang kung ano man ang ginagawa ng mga sepsep na nakapaligid sa kanya…

Hindi man po idineklara ni SAP Bong na tatakbo siya, ‘e panay naman ang pa-epek  ng mga nakapaligid at nagpapapogi sa kanya.

Nariyan ang billboard, pamamahagi ng kung ano-anong giveaways, basketball, rubber shoes, relief goods etc —  pero bakit wala pa rin namang epek?

Kulang tatlong buwan na lang, filing of candidacy na naman para sa May 2019 elections pero kung hindi man makasampa sa unang 12 ang pangalan ni SAP Bong, makahabol kaya siya?

E kasi naman, ang daming umeepal at umaastang ini-endorse nila si SAP Bong, pero ang tanong, may karapatan ba silang mag-endoso!?

Karamihan pa naman ng mga madadaldal na umeepal e ‘yung mga walang kredebilidad, mga kilalang mahilig sumabit at dumikit, laos na taartits at mga su­mem­plang na politiko.

Paanong aangat sa suvey kung ‘mantsado’ ang mga dikit nang dikit at buntot nang buntot pero wala namang hatak?

Kahit sa social media, hindi nga makakuha ng positibong feedback.

Buti pa ‘yung isang kakilala natin, “ismol but teribol.” Hindi madaldal, hindi maingay pero panay ang gawa, pabor sa positibong imahen ni SAP Bong.

Keep up the good work, Ismol Boy!

Anyway, kung talagang tatakbo si SAP sa Senado, panahon na siguro para linisin muna niya ang mga nakapaligid sa kanya lalo na ‘yung mga nakasisira sa kanyang pangalan pero panay ang buntot.

Sa totoo lang, kung talagang tatakbo siya, isa lang po ang kailangan… ang ‘magic endorse­ment’ ni Tatay Digong.

‘Yun lang po! Siguradong pasok na siya…

Pansamantala, pag-isipan niyang mabuti kung paano ipapagpag ang mga ‘malas.’

Para sa charter change
2019 ELECTIONS GUSTONG
IPAATRAS NI ALVAREZ

NAPAMURA ang citizens sa mungkahi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na huwag nang magdaos ng eleksiyon sa Mayo 2019 at gawin na lang ito sa 2022, bilang unang eleksiyon sa ilalim ng gobyernong Federal.

Para kasing siguradong-sigurado na si Speaker Alvarez na maaaprobahan ang Konsitusyong Federal kaya gusto na niyang balewalain ang isang regular na proseso — ang May 2019 elections.

Hindi kaya naiisip ni Speaker Alvarez na may negatibo itong epekto sa pagsusulong ng Federal Constitution?

Bakit hindi niya hayaang dumaloy ang demokratikong proseso sa ilalim ng 1987 Constitution gaya ng eleksiyon sa May 2019 nang sa gayon ay makita ng mamamayan na bilang mga tagapagsulong ng Federal constitution ay marunong silang magrespeto sa umiiral na batas at proseso?!

E sa totoo lang, maraming mamamayan ang naghihintay sa 2019 elections na ‘yan para ilaglag ang local government unit (LGU) officials at mga mambabatas na nang maupo sa posi­s-yon ay walang ginawang mabuti para sa kapa­kanan ng constituents, sa halip, ipinagbili ang kanilang interes at mga batayang panga­ngailangan.

Kumbaga, sukang-suka na sila!

Halatang-halata tuloy na atat na atat si Speaker na maaprobahan ang Federal Cons­titution dahil mukhang alam na nila kung anong pabor ang makukuha nila.

Kaya pakiusap lang Speaker Alvarez, kung kompiyansa naman kayo na maaprobahan ang Federal Constitution, huwag na ho ninyong harangin ang May 2019 elections na matagal nang inaasam ng naaagrabyado nating mga kababayan.

PANAWAGAN
KAY Hon. RICKY
BERNARDO
City Councilor/Brgy. Captain,
Magsaysay, Malabon City

Dear Sir,

Ipinanawagan po sa inyong opisina ang tungkol sa palagiang SIRA ang makina na ginagamit upang bombahin ang malaking BAHA tuwing umuulan.

Nakapagtatakang kapag wala namang ulan ay  hindi nalalaman na may sira ang bomba at saka lamang nalalaman na sira ito kapag malaki na ang tubig at hindi na ma-PUMP OUT na nagiging dahilan upang BAHAIN ang maliliit na bahay sa lugar.

At madalas naman kapag puwede naman po umandar ay wala namang KRUDO mula sa City Hall.

Ano po ba talaga? Paki-aksiyonan po!

Concerned resident po.
+639189210 – – – –


Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *