Friday , November 22 2024

2019 elections gustong ipaatras ni Alvarez

NAPAMURA ang citizens sa mungkahi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na huwag nang magdaos ng eleksiyon sa Mayo 2019 at gawin na lang ito sa 2022, bilang unang eleksiyon sa ilalim ng gobyernong Federal.

Para kasing siguradong-sigurado na si Speaker Alvarez na maaaprobahan ang Konsitusyong Federal kaya gusto na niyang balewalain ang isang regular na proseso — ang May 2019 elections.

Hindi kaya naiisip ni Speaker Alvarez na may negatibo itong epekto sa pagsusulong ng Federal Constitution?

Bakit hindi niya hayaang dumaloy ang demokratikong proseso sa ilalim ng 1987 Constitution gaya ng eleksiyon sa May 2019 nang sa gayon ay makita ng mamamayan na bilang mga tagapagsulong ng Federal constitution ay marunong silang magrespeto sa umiiral na batas at proseso?!

E sa totoo lang, maraming mamamayan ang naghihintay sa 2019 elections na ‘yan para ilaglag ang local government unit (LGU) officials at mga mambabatas na nang maupo sa posi­syon ay walang ginawang mabuti para sa kapa­kanan ng constituents, sa halip, ipinagbili ang kanilang interes at mga batayang panga­ngailangan.

Kumbaga, sukang-suka na sila!

Halatang-halata tuloy na atat na atat si Speaker na maaprobahan ang Federal Cons­titution dahil mukhang alam na nila kung anong pabor ang makukuha nila.

Kaya pakiusap lang Speaker Alvarez, kung kompiyansa naman kayo na maaprobahan ang Federal Constitution, huwag na ho ninyong harangin ang May 2019 elections na matagal nang inaasam ng naaagrabyado nating mga kababayan.



Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *