AMINADO ang Kapamilya aktres na si Sue Ramirez na excited na siyang maipalabas ang pelikula nilang Ang Babaeng Allergic Sa WiFi. Tampok sina Sue at Jameson Blake sa naturang pelikula, written and directed by Jun Robles Lana. Ito’y entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2018 na mapapanood mula August 15-21 sa lahat ng sinehan, nationwide.
Saad ni Sue, “Gusto ko lang talaga na maipalabas na ‘yung pelikula, ang tagal na, parang long overdue na ‘yung trailer, tapos ang dami nang nag-aabang talaga. So, excited lang talaga ako na maipalabas na. Malapit na!”
Kakaiba ang character ni Sue sa pelikulang ito dahil mayroon siyang EHS (Electromagnetic Hyper Sensitivity) na allergic siya sa wi-fi. Nabanggit pa niyang very timely ang kanilang pelikula.
“Iyong movie, very fit po siya para sa panahon ngayon. Medyo hirap ako mag-relate kay Norma, sa character ko kasi sobrang hilig niya sa social media. As in super adik siya talaga, lagi siya nakatutok sa phone niya.
“And ‘yun nga siguro po ang pinakamalaking lesson na maibabahagi ng pelikula sa milennials, hindi lang po sa milennials, siguro sa mga wider ages, is sobra tayong busy na mag-connect online, na nakalimutan na natin mag-connect sa mga totoong tao na nandiyan sa paligid natin. So maganda po talaga ‘yung message ng movie,” aniya.
Ang pelikulang Ang Babaeng Allergic Sa WiFi mula sa Cignal Entertainment, Octobertrain Films, at The IdeaFirst Company ay tinatampukan din nina Angellie Nicholle Sanoy, Yayo Aguila, Ms. Boots Anson Roa, at introducing si Markus Paterson.
Ang iba pang entry sa PPP 2018 spearheaded ng Film Development Council of the Philippines na pinamumunuan ng napakasipag na chairperson at CEO nitong si Ms. Liza Diño ay mga sumusunod: Signal Rock by Chito Rono; The Day After Valentine’s by Jason Paul Laxamana; Bakwit Boys by Jason Paul Laxamana; We Will Not Die Tonight by Richard Somes; Pinay Beauty by Jay Abello; Unli Life by Miko Livelo; at Madilim ang Gabi ni Adolf Alix Jr.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio