Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manoy, Charo, Nora, Maria, nagsama-sama para sa Film Icons Award

BIG winner ang pelikulang Respeto  sa 2nd EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) na ginanap noong Lunes ng gabi sa The Theater At Solaire.

Bukod sa Best Film, lima pang tropeo ang naiuwi ng Respeto na pinagbibidahan ng rapper na si Abra.

Personal namang tinanggap nina Maricel Soriano, Charo Santos-Concio, Eddie Garcia, at Nora Aunor angEDDYS Film Icons of the Year. Kasama rin dito ang dalawang movie queen na sina Gloria Romero at Susan Roces ngunit hindi sila nakadalo.

Ang yumaong entertain­ment columnist at film critic na si Mario Hernando ang recipient ng 2018 EDDYS Manny Pichel Award habang ang veteran entertainment editor na si Ricky Lo ang tumanggap ng Joe Quirino Award.

Binigyan din ng tribute (Posthumous) ang award-winning director na si Maryo J. Delos Reyes.

Best Dressed Celebrities naman sina JC Santos at Sanya Lopez habang sina David Licauco at Andrea Torres ang itinanghal na Stars of the Night.

Ilan sa mga nag-perform sa gabi ng parangal ay sina Ciara Sotto Abra at Loonie, Jona, Bituin Escalante, Wishful 5, at Noel Cabangon.

Nagsilbi namang hosts ang magkapatid na Ruffa at Raymond Gutierrez na marami ang pumuri sa galing ng pagho-host at ganda ng mga ayos at kasuotan na mula kina Sidney Yap (stylist), Steven Doloso (make-up), Rajo Laurel (gown), at Shamaine Ng (jewelry). Habang sina Rhian Ramos at Tim Yap naman ang naging anchors sa sosyaling red carpet.

Ang Globe Studios (Play It Right) ang major presenter ng 2nd EDDYS sa pakikipagtulungan ng Film Development Council of the Philippines, sa pangunguna ni Chairperson Liza Dino-Seguerra. Ito’y sa direksiyon ni Paolo Valenciano, sa ilalim ng produksiyon ng fastest growing FM station, ang Wish 107.5.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …