Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Graft charges kay Gov. Imee sa tobacco taxes, long overdue na?

MUKHANG mababalam ang karera ng lodi nating ex-Kabataang Barangay national chairman, Ilocos Norte Governor Imee Marcos patungo sa Senado dahil sa hindi tamang paggamit ng tobacco tax shares ng kanilang lalawigan.

Atrasado mang masasabi, inirekomenda na ng Kamara ang pagsasampa ng kaso laban sa gobernadora at sa Ilocos Norte provincial officials na lumabag sa Republic Act No. 7171.

Isinasaad umano sa nasabing batas na ang tobacco tax ay hindi maaaring gamitin labas sa layunin nitong isulong ang pagsasarili ng tobacco farmers sa pamamagitan ng kooperatiba, livelihood, at sa iba pang agro-industrial at infrastructure projects.

Kung hindi tayo nagkakamali, ito ‘yung mainit na pinag-usapan noon sa Kamara at ikinulong pa ang mga opisyal ng lalawigan dahil ayaw nilang magsalita.

Sa Committee Report No. 638, nais  ng Kamara na panagutin si Madam Imee, ang kanyang mga opisyal at ang isang Mark Chua, kinilalang kanyang “longtime partner”  dahil sa “highly irregular and illegal” na pagbili ng 110 Foton minicabs na sinabing overpriced nang P21.45 milyones.

Hindi naman pala ‘plunderous’ dahil hindi umabot sa P50 milyones, pero ang P21.45 milyones ay P21.45 milyones!

Kahit na nga bilyon-bilyon ang halaga ngayon ng mga government projects, ang P21.45 milyon ay malaking halaga pa rin lalo kung ang dapat makinabang ay mga kababayan nating namu­muhay below poverty level.

Nabatid din sa imbestigasyon na P270,000 bawat yunit ang benta ni Granstar Motors and Industrial Corp. president Fabian Go sa minicabs kay Chua.

Ipinagbili naman ni Chua, ang sasakyan sa provincial government sa halagang P465,000 bawat isa, na lumalabas na pinatungan ng P195,000.

At bukod nga sa may ‘tongpats’ hindi rin ito pinapayagan sa ilalim ng Republic Act No. 7171.

Nasabit ang provincial officials sa iregu­laridad dahil sa paglabag sa Government Pro­curement Reform Act dahil ang pagbili umano sa nasabing mga sasakyan ay sa pamamagitan ng direct contracting imbes sa public bidding.

Walang specific appropriation ordinance ng Sangguniang Panlalawigan para sa pagbili ng nasabing mga sasakyan, at ang lump-sum funds ay ilegal na ginamit, ayon sa ulat.

Maging ang cash advances para bayaran ang sasakyan ay hindi rin awtorisado ng Commission on Audit.

‘Yan ang mga basehan ng Kamara para sampahan ng kaso sa Ombudsman si Gov. Imee.

Kumbaga, “nick of time” lang ang mang­yayari ngayon… sino ang mauuna, ang asunto o ang filing of candidacy?!

Kaabang-abang ang pangyayaring ito… sabi nga sa komiks, huwag bibitaw!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *