Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ruru, nakatatanggap ng mga chat na pinaghuhubad at ipakita ang pagkalalaki

SIGUADO si Ruru Madrid na wala siyang scandal!

“One hundred and one percent sure!”

Hindi siya nakikipag-chat sa mga taong hindi niya kilala.

“Kapag random people, hindi. Eversince. Iyon siguro ‘yung mapa-proud ako sa sarili ko.”

Ang iba kasi ay kalimitang sa pakikipag-chat nabibiktima.

“’Yung ganoon po kasi, paminsan hindi natin maiiwasan. Ako po honestly, sa akin kahit po tingnan natin ang Instagram ko maraming nagme-message sa akin na mga random people, random girls na una dadaanin ka nila sa chat, ‘Hi, hello, fan mo ako,’ ganyan-ganyan.

“Siyempre ako titingnan ko ‘yung profile nila, makikita mo talaga na sexy sila, ganyan-ganyan. Pero hindi na to the point na kailangan mo pang patulan.

“Siguro mas okay na ‘yung taong kilala mo na lang ang kausapin mo.

“Kasi ‘di ba, bata pa lang tayo tinuturuan na tayo ng mga magulang natin na don’t talk to strangers, ‘di ba?

“Ako kasi, siguro it’s better na makilala mo personally kaysa thru phone.

“Kasi ngayon kailangan nating maging maingat kasi nangyayari na po ‘yang mga ganyan, ‘di ba?

“So kumbaga mayroon ng mga patnubay, ipinakikita nila na dapat hindi mo gayahin ito para hindi ka matulad sa ganyan, para hindi ka na magkaproblema ng ganyan.

“So ako, eversince naman. Siguro may mga nakakausap (chat) ako pero kilala ko,” sinabi pa ni Ruru.

Umamin si Ruru na may mga random na tao na itsa-chat siya at hihilingin sa kanya na maghubad siya at ipakita ang kanyang pagkalalaki!

“Hindi ko po nire-reply-an.”

Ang payo niya sa mga may sex video scandal o maaaring masangkot pa sa ganitong kontrobersiya, Siguro iyon nga po, better na bago natin kausapin ‘yung isang tao, lalong-lalo na sa social media, kilalanin muna natin or i-make sure natin na makikita natin sila sa personal.

“Siyempre hindi natin maiiwasan, kailangan nating makipag-date, kailangan nating kumilala ng mga bagong tao, pero mas maganda na kilalanin mo sa totoong buhay, hindi sa cellphone, sa video call or sa computer.

“Kasi wala eh, delikado na eh, sobrang delikado. Para lang makaiwas.”

Napapanood si Ruru sa The Cure ng GMA.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …