Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Herbert, bantulot pa sa pagtakbo sa 2019

INAMIN sa amin ni Mayor Herbert Bautista na wala pa siyang plano para sa 2019. Ibig sabihin, hindi pa niya alam kung ano ang kanyang papasukan pagkatapos ng kanyang ikatlong term bilang mayor ng Quezon City. Medyo bantulot kasi si Mayor Bistek na tumakbo sa isang local position dahil kung natatandaan ninyo, dalawang eleksiyon na siyang unopposed. Ibig sabihin lahat ng partido, kakampi at kalaban ay sumuporta sa kanya. Ayaw naman niyang may matapakan siyang taon na sumuporta sa kanya sa nakaraang mga eleksiyon.

“Basta kung ano ang posisyon na wala tayong tatamaan, doon tayo. Ang habol lang naman natin ay maituloy ang serbisyo eh, hindi naman iyong posisyon talaga,” sabi ng mayor.

Baka naman maaari na siyang magbalik bilang artista, na mabilis naman niyang sinagot ng “puwede”.

Ang linya kasi ni Mayor Bistek kahit na noong araw pa ay comedy. Iyang mga pelikulang comedy ay isa sa nagbibigay ng malalaking hits sa industriya ng pelikulang Filipino. Pero lately hindi na nga masyado, kasi ang isang dahilan, nawala na ang comedy king na si Mang Dolphy. Iyon namang ibang comedians, nagkasunod-sunod ang mga pelikulang parang iisa lamang ang tema kaya medyo nagsawa ang publiko. Kailangan talaga ang comedy na bago naman ang idea. Iyong bago naman ang gimmick, at marami ang naniniwala na magagawa iyan ni Mayor Bistek, pero hindi rin niya magagawa iyan habang siya ay nasa government service. Alam naman ninyo iyang mga opisyal ng gobyerno, basta talagang nagtatrabaho hindi na makahaharap sa ibang trabaho kahit na sabihin mong mas malaki pa ang kikitain nila.

Tingnan ninyo si Congresswoman Vilma Santos, ang totoo gusto rin niyang gumawa ng pelikula kaya lang sa rami ng trabaho ay wala siyang panahon. Si Mayor Richard Gomez, hinahanap din ang buhay artista pero hindi puwede habang mayor siya. Ganoon din ang nangyari kay Mayor Bistek. Nakasingit pa siyang gumawa ng pelikula pero hindi rin niya naharap nang husto dahil sa trabaho niya sa city hall. Kung wala nga siya sa politika, makababalik na siya sa showbusiness. Mas malaki pa ang kikitain niya. Aba iyong kinikita ni Mayor Bistek sa isang show lamang sa mga “baratillo” noong araw, mas malaki kaysa isang buwang suweldo niya bilang mayor. Eh nakakatatlong show siya noon sa isang araw.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …