Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gina Magat, ‘di kumuha ng PRO, maisulat lang

NANINIWALA kaming sobra nga ang naging sama ng loob noong araw ng part time actress at ngayon ay executive ng isang malaking educational institution na si Gina Magat. Kaya nang magkaroon siya ng pagkakataong maihinga ang kanyang sama ng loob ay nagpasalamat pa siya sa mga nakausap niya at nagbigay ng panahon na pakinggan siya.

Hindi siya nakikisawsaw sa issue, kaya mali iyong bintang na nakialam siya sa issue kaya natabunan tuloy ang mga gimmick ng isang starlet na gumastos pa ng malaki para mai-promote ang kanyang supporting role lamang sa pelikula. Hindi naman po kumuha ng mga pro si Gina. Hindi rin siya nagpa-raffle para maisulat siya.

Pinakinggan siya dahil sa isa siyang simpleng tao at may kredibilidad ang sinasabi niya. Detalyado lahat eh, bukod doon may mga ebidensiya pa siya, iyong mga nai-save niyang text messages at mga e-mail simula noong limang taong nakaraan.

Pero napansin namin, maganda pa rin si Gina. Smart siyang manamit, at kung gugustuhin lang niya ay maaari siyang mag-artistang muli. Marami siyang mga kaibigang makatutulong sa kanya, pati na ang isang director na na-double cross ng isang dati niyang “friend”.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …