Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

DPWH malaki pondo kulelat sa trabaho

NAIMBIYERNA na si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa sandamakmak na delayed projects sa ilalim ng programang Build, Build, Build.

Ang delayed projects ay kinabibilangan ng 622 flood control infrastructure; 879 school buildings; 100 farm-to-market roads at 733 iba pang proyeltong impraestruktura gaya ng kalsada, highways at mga tulay.

Ang tila ikinaimbiyerna ng pangulo dito, naiimbudo ang proyektyo sa ‘burukrasya’ mismo.

Ibig sabihin, bigo ang DPWH na gamitin ang 66.4 porsiyento (P440 bilyon) ng P662.69 bilyong allocated budget para sa 2017.

‘Yan ang ulat ng Commission on Audit (COA).

Sa iba pang ulat, sinabi ng COA na bigo ang DPWH na magamit ang kanilang pondo.

Ang kakatwa rito, mismong ang DPWH ang napakakupad mag-disburse ng pondo kasi nga lumalabas na hindi kayang ipatupad ang proyekto.

Ibig bang sabihin nito na nangangamote si Secretary Mark Villar sa ipinagkatiwalang proyekto sa kanya ng Pangulo?!

Ilang opisyal mismo sa hanay ng gobyerno ang nagsasabi na talagang mangangamote si Secretary Villar, kasi unang-unang hindi naman siya engineer.

Hindi na nga engineer, hindi rin urban planner. Pagkatapos pinagkatiwalaang humawak ng proyektong pagkalaki-laki?!

Hindi natin alam kung natulala si Secretary Villar, sa laki ng project na ‘yan dahil hanggang ngayon wala tayong makitang Build, Build, Build.

Kumbaga, wala pang significant na proyekto ang Duterte administration na masasabing ‘iniluwal’ nila.

Aminin man natin sa hindi, ang mga proyektong impraestruktura na nakikita natin ngayon ay nasimulan noong panahon pa ng nakaraang administrasyon.

At sa kabila niyan, mukhang pakaang-kaang lang si Secretary Villar?!

Nagbanta na rin ang Pangulo, “Pag may highway d’yan na palpak, the city engineer at itong project engineer or whatever, if there is delay or slippage, they call it, and it is about 20 percent perfect, you are out. I will cancel the contract pati — lahat gusto ko Swiss challenge na lang. Swiss challenge, you produce the bridge and I’ll pay you. If you do not publish it in accordance with the specs, as my specifications, I will not pay you.”

Aba, hangga’t maaga ‘e mas makabubuting magbitiw na kayo Secretary Villar.

Tutal naman ‘e nakailang taon ka na riyan sa DPWH at mukhang wala naman  tayong maaninag ni kahit isang  poste mula sa iyong pamumuno.

Baka mas maiging isuko na ‘yang Build, Build, Build sa mga tunay na nakaiintindi ng engineering at urban planning?!

Hindi na tayo nagtataka kung bakit mailap at naiilang sa media si Secretary Villar. Andap siguro siyang matanong kung ano na ang status ng mga proyekto ng gobyernong Duterte.

Sabi nga, umandar na ang panahon, pero si Secretary Villar, hindi pa rin nauunawaan ang blue print ng  Build. Build, Build program.

Kumbaga, hirap na hirap pa rin siyang maka-relate.

Araguy!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *