AYAW ko lang ‘yung bihisan ni Vice Ganda sa mga panahong ito sa daily noontime show na It’s Showtime ng Kapamilya Network. Sobra naman ang pa-girl outfit ni Bakla na feeling niya ay gandang-ganda na siya.
Hindi po bagay sa iyo Vice Ganda. May binabagayan talaga. Mas bagay pa rin sa iyo ang kasuotang pang-beks na sosyal kaysa nagpapaka-girl ka. Ayaw ni Anne Curtis niyan. Kinakabog mo siya.
Alam naming maganda ang binti mo lalo na ang hubog ng katawan mo na gawa ng siyensiya pero tama na. Umo-OA! Panget tingnan sa TV dahil ang realidad ay realidad! Tantanan mo na! Ayaw ni Ateng Girl!
REALITY BITES
ni Dominic Rea