Friday , May 16 2025

Youtube sensation ng ‘Pinas, Tourism ambassador ng Taiwan

KATUWANG ang libangang pag-a-upload ng videos ng mga lugar o bansang napuntahan ay magiging daan para kay Mikey Bustos para kuning brand partner ng Taipei City’s Department of Information and Tourism.

Si Mickey ay vlogger/Youtube star at runner-up sa 2003 Canadian Idol at naging recording artist ng BMG Music Canada at Vik. Recording. Kasama siya na inilabas na Canadian Compilation Idol na bumenta ng 60,0000 units sa Canada.

Ani Mikey, “Gusto ko lang kasing mag-share ng videos na ginagawa ko, I don’t get paid for it, mahilig kasi akong pumunta kung saan-saan mostly Asian countries at siyempre para tikman ang mga pagkain na sa bansang iyon mo lang makikita.

“One of my favorite country aside from Taiwan and of course Philippines was Palau Island.  Have you been to Palau?  Ang daming Pinoy doon and all the locals also looks like us. Sabi ko nga, kamukha ko sila.”

At dahil isa ang Taiwan sa bansang nagustuhan ni Mikey, kinontak siya para maging brand partner at noong Martes, Hulyo 3 ay inilunsad ang Fun Taipe 2018 My New Crushie video na umabot na sa 13,000 views sa loob lamang ng isang araw simula nang i-upload iyon.

Sinabi naman ni Deputy Commissioner of Taipe City’s Department of Information and Tourism Head na si Chen Yu-hsin na si Mikey ang unang foreign celebrity na inimbita nila para maging spokesperson para i-promote ang bansa nila.

Nag-offer ng visa-free program ang gobyerno ng Taiwan noong Hulyo 2017 at nagtapos  nitong June 2018, pero dahil nakita nilang marami pa ring gustong makarating sa kanilang bansa ay muli nila itong in-extend hanggang July 2019.

Sabi pa ni Ms Chen Yu-hsin, umabot na sa 290,784 ang nakapunta ng Taiwan simula nang ginawa nilang visa-free program at nag-increase ng 68.59% kompara noong 2016 na nasa 172,475 ang turistang nakapunta sa kanila.

Kaya naman pinasalamatan ni Miss Chen Yu-shin ang mga Filipinong kasama parati ang Taiwan/Taipe sa kanilang travel destination.

Samantala, kasalukuyanh isinasagawa ang Taipei City 2018 Travel Madness Expo sa SMX Convention Center, Pasay City na nagsimula noong July 5-8.  At para sa karagdagang impormasyon ay maaring tumawag sa Tourism Development Division, Department of Information and Tourism, Taipe City executive, Ms Yihsuan LEE +886227208889 ext 6902 at Ms Hunglin LIN ext 7562 or B99 Events Management, Vanessa Versoza-09175691363 or email at mvov06@gmail.com.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto

Rufa Mae sa Pilipinas muli maninirahan

MA at PAni Rommel Placente HINDI biro ang mga pinagdaanang pagsubok ng komedyanang si Rufa …

Ahtisa Manalo

Ahtisa nakakuha ng 7k votes sa Quezon (Kahit nag-withdraw na)

MATABILni John Fontanilla BAGAMAT nag-withdraw sa kanyang kandidatura bilang konsehal sa Candelaria, Quezon ang Miss …

VMX Karen Lopez

Missing Vivamax star lumutang na, nagpaliwanag sa socmed account

SA ANUNSIYO ng Quezon City Police District (QCPD) na kanilang iimbestigahan ang sinasabing pagkawala ng …

Alex Gonzaga Mikee Morada

Alex sobra-sobra ang saya, Mikee vice mayor na ng Lipa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “MARAMING, maraming salamat sa mga kababayan namin sa Lipa sa tiwalang …

Willie Revillame

Willie olats na sa politika, wala pang show na babalikan

MA at PAni Rommel Placente KUNG may mga artistang pinalad manalo sa katatapos na midterm …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *