LUMANTAD na rin si Gina Magat, iyong babaeng nagsasabing na ang ibinibintang niyong si Rina Navarro sa aktres na si Ara Mina ay ginawa rin sa kanya, limang taon na ang nakararaan. Hindi namin diniretsa iyan noon dahil iyang si Magat ay isang executive ng isang educational institution ngayon. Isa siyang educator, bukod pa nga sa pagiging isang part time actress din. Pero hindi nakapagpigil sa panggigigil, lumantad na rin siya.
It is her right to talk, siyempre may karapatan din naman ang kabilang kampo na sumagot sa kanyang mga akusasyon. Hahaba pa ang issue na iyan. Iyong mga pelikulang susunod na ilalabas, masasapawan iyan sigurado.
Kahit na anong gimmick at raffle pa, mahirap sabayan ang isang lehitimong controversy na kagaya niyang mga bagay na iyan.
HATAWAN
ni Ed de Leon