Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jillian Ward
Jillian Ward

Jillian Ward, tampok sa Magpakailanman ngayong Sabado

SOBRANG saya at excited ng Kapuso teen actress na si Jillian Ward nang makapana­yam namin siya recently. Kasalukuyan kasi si­yang nagte-taping sa Magpakailan­man ni Mel Tiangco at ipina­hayag ni Jillian ang labis na kagalakan dahil sa challenging na papel na ibinigay sa kanya rito kasama sina Epi Quizon at Mickey Ferriols, sa pama­mahala ni direk LA Madridejos.

“Nagte-taping po ako today. Ang role ko po rito ay challenging talaga pero hindi ko pa po puwedeng sabihin. Basta sobrang iba po ito sa mga usual roles na ginagawa ko and sobrang happy po ako.”

Bakit mo nasabing chal­lenging ‘yung role mo riyan?

“Medyo nakakatakot po kasi siya, hahaha! At talagang bago po sa akin ‘yung role na ‘yun, mahirap din po(siya)ng i-portray.”

Ang naturang episode ng Magpakailanman ay ipalalabas na ngayong Sabado, July 7 sa GMA-7.

Nabanggit din ni Jillian na kabilang sa dream niya ang gumanap na Dyesebel at magkaroon ng album. “Dream ko rin po maging Dyesebel and wish ko rin po magkaroon ng album. Pero depende pa rin po sa GMA-7 kung ano po ‘yung gusto nilang path sa career ko, nagtitiwala naman po ako sa kanila,” nakangiting pakli ng magandang teen actress.

Ayon kay Jillian, may plano silang gumawa ng covers ni Darren Espanto at i-upload ito sa YouTube. Si Darren ang isa sa hinahangaang singer ni Jillian.

Incidentally, sa mga gustong mapanood si Jillian sa kanyang YouTube channel, mag-subscribe sa kanyang YouTube account-Jillian Ward.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …