Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Drug war’ sinisi sa overcrowding ng police jails

PITONG beses na mas malaki ang bilang na 146,302 preso sa ideal na kapasidad na 20,653 preso ng mga kulungan sa bawat presinto ng Philippine National Police (PNP).

Ang mga tinukoy na nakakulong sa nasabing police jails ay hindi pa convicted. Marami sa kanila ay sinampahan ng kasong paglabag sa batas ukol sa ilegal na droga at hindi pinapayagang magpiyansa, kaya hayun, hindi na lang sa lata ng sardinas sila maihahalintulad kundi sa isang siksikang palengke na punong-puno ng iba’t ibang klaseng dumi, basura at amoy.

Sabi nga ng mga naka-detain sa mga police jail, wish nila na masentensiyahan na para mai­biyahe na sa Muntinlupa.

Kasi nga naman sa Muntinlupa, malinis ang kanilang detention cell, may tubig, hindi man ga­anong kainaman ang rasyong pagkain, puwede naman silang magluto ng kung ano ang gusto nila lalo’t tsokaran nila ang jailguard.

Hindi gaya sa police jail, na siksikan sila at halos magkapalitan na ng mukha, nagkikisikisan ang mga balat, pati nga raw ang mga betlog nila ay hindi nag-uumpugan kundi naninikit sa kanilang singit.

Walang bentilasyon kaya walang malanghap na hangin. Hindi ba’t ilan na ang namatay sa loob ng police jail dahil nahirapan ngang makahinga?!

Ano ba talaga ang ginagawa ng mga opisyal ng ating gobyerno at wala man lang silang antisipasyon kung gaano kabilis darami ang laman ng police jails?!

Hindi man lang ba ito nakita ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at hindi man lang naisipan na maglaan ng pondo para sa pagsasaayos ng police  jails sa bawat presinto?!

Attention Secretary Eduardo Año!

TAGUIG TENEMENT
RESIDENTS
PINAGLALARUAN
LANG BA TUWING
ELEKSIYON?!

NALALAPIT na naman ang eleksiyon at gaya nang dati, nasa balag na naman ng alanganin ang mga taga-Taguig Tenement.

Ilang beses na nga ba silang pinanga­ku­ang igagawa ng bagong tahanan dahil kai­langan nang gibain ang lumang gusali?!

Ang sabi, bibigyan sila ng pagliipatan pero kapag malapit na ang eleksiyon, hindi naman natutuloy ang relokasyon.

Ilang pangako na umano ang binitiwan ni Mayor Lani Cayetano pero gaya sa isang pangkaraniwang politiko, paulit-ulit itong napapako.

Ano ba talaga, Mayor Lani Cayetano?!

Ang pangako ninyong relokasyon ay parang, laban-laban, bawi-bawi sa mga mamamayan.

Kung ayaw ninyong pakawalan ang kanilang boto, aba, gawan n’yo sila ng on-site relocation at tuparin ninyo.

Matandang building na ang Taguig Tenement, e paano kung diyan sila abutan ng Big One?!

Iligtas ninyo ang constituents ninyo, Mayor Lani!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *